Chapter 42

3.7K 74 16
                                    

<Elmo’s POV>

“Sir, kinausap ko na ung Human Resource Manager and according to her, we already have enough workers para umabot tayo sa deadline ng mga projects.” Balita saakin ni Henry na nandito sa office ko.

“Good. But I want you to hire more. Gusto ko ng matapos agad ung contract natin with Elizabeth’s.”

“Sir?” Ramdam kong mejo nagulat si Henry. Hindi kasi ako ung tipong magtatapos agad ng isang project. Ako ung tipong dadahan-dahanin ung process para mas sigurado.

“You heard me. I want to finish that site as soon as possible.”

“Pero sir, we have to do the process slowly.”

“Bakit ba kailangan nating dahan dahanin if we can do it quickly? But of course kailangan natin siyang gawin ng maayos. I just want to finish it right away, pero kailangan maganda pa rin ung quality. Ayokong masira ung pangalan ng kumpanya.”

“Yes, sir.” Wala siyang magagawa, ako ang Vice President kaya ako ang masusunod.

Lumabas din agad si Henry nung sinenyasan ko siya. Kailangan ko ng matapos ung contract, kailangan ko ng putulin as soon as possible ung ugnayan namin ni Julie. Halos isang linggo na rin simula nung nangyaring yun, nadala lang naman ako sa emosyon ko pero hindi ko siya masisisi kung ayaw niyang magpakita. Aminado akong masasakit ung mga sinabi ko, pero sinabi ko lang naman ung nararamdaman ko. Ako naman ang intindihin niya, ung nararamdaman ko naman. Bakit ba lagi na lang ako ung nagiintindi sa nararamdaman niya? Nasaktan din naman ako ng sobra eh. Pareho lang kaming nasaktan. Pareho lang namin nasaktan ang feelings ng isa’t isa.

Biglang kumatok ung secretary ko at binigay saakin ung mga papers na kailangan kong pirmahan.

“Mr. Reyes postponed your dinner appointment from tonight to tomorrow night, may urgent matter lang daw po kasi siya.”

Tumango ako sa changes na binalita ni Janine, so free pala ako tonight. Palabas na sana si Janine ng may bigla akong naalala.

“Janine?”

Lumingon siya agad, “Yes, sir?”

“About last week, nung nandito si Julie. Did you do what I have told you?”

Biglang nanlaki ung mga mata niya, and for a moment parang may nakita akong takot sa mga mata niya pero nawala agad yun at napalitan ng confidence.

“Yes, sir. Ginawa ko po ng mabuti ung trabaho ko.”

Tumango na lang ako because I’m satisfied of her answer.

“Sige. Thank you.” Nagpasalamat ako and lumabas na siya.

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon