Chapter 46

3.4K 78 3
                                        

<Julie’s POV>

Binaba ako ni Alden sa isang coffee shop malapit sa company nila Elmo. Baka gusto ko daw bumili muna ng coffee. Natawa naman ako at tumango sakanya.

Alam kong masakit para kay Alden na ihatid ako sa mismong company nila Elmo, kaya pumayag ako na dito na lang niya ko ibaba. Marami na siyang mga bagay na ginawa para saakin kaya siyempre ayos lang saakin ng dito na lang niya ko ibaba. Anyways tatawid lang naman ako at maglakakad ng 2 minutes, makakarating na ko eh.

Bumaba na ko ng kotse ni Alden at tumakbo ako papunta sa kabilang side ng kotse. Binaba niya ung window and ngumiti siya.

Aalis na sila ng Pinas three days from now, and I’m really going to miss them.

“Just call me anytime, okay? Afford mo naman ang international calls diba?”

Natawa ko, “Oo naman noh. Designer po kaya ako, Mr. Richards.”

Ngumiti siya, pero kita ko sa mga mata niya na malungkot siya. Bigla siyang bumaba ng kotse at niyakap niya ko. Niyakap ko rin siya pabalik.

“Magkikita pa tayo, Alden. Okay? Ako ang maghahatid sainyo sa airport.”

Naramdaman ko sa balikat ko na natawa siya, “Aasahan ko yan ah.”

“Oo naman.”

Nagpaalam na talaga siya after a few minutes and naiwan na ko dito sa kalsada na magisa. Kailangan ko lang naman na maglakad papunta sa pedestrian lane and tatawid ako tapos maglalakad ulit saglit then nandun na ko.

Nakarating na ko ng tawiran pero nakared light na siya, meaning stop muna para sa mga tatawid. Malaki ung kalsada since two way siya, may papunta sa left, meron ding paright.

Maraming mga dumadaan na kotse. But that didn’t stop me to spot him. His hands are on his pants’ pocket and nakatingin siya sa ibaba.

Napangiti ako. Hindi ko pa alam kung ano ung sasabihin ko sakanya, pero masaya ako ngayon. Tama si Alden, siya lang ang nagpapasaya saakin ng ganito.

Biglang naggreen ung stoplight, meaning puwede na kaming tumawid pero for 100 seconds lang. Tumawid na ung mga nasa tabi ko kanina, tumatawid na rin ung mga nasa tabi niya pero nakatunganga pa rin siya habang nakatingin sa baba. Parang may iniisip.

80 seconds na lang ang natitira at nagsimula na kong maglakad.

“Elmo!!”

Napatingin siya saakin. Gulat ung expression niya pero may confusion din akong nakikita. Ilang steps pa lang nilalakad ko nagdecide na kong tumakbo towards him.

-


<Elmo’s POV>


Hindi pumasok si Janine ngayon. Mabuti naman kasi ayoko munang makita pagmumukha niya pagkatapos niyang gawin ung mga bagay na hindi niya dapat gawin kagabi.

I’m planning to fire her anyway, pero mas gusto kong siya ang mag resign. I am not really a type of a guy na magffire ng employee.

And since hindi niya pumasok, ako na lang ang bibili ng coffee across the street. Malapit lang naman un kung iisipin e, konting lakad lang, tatawid tapos konting lakad pa, may coffee ka na.

Nakarating na ko ng tawiran pero naka red light, so kailangan kong magantay ng green light bago ako pwedeng tumawid. Automatically na pumasok sa loob ng pocket ng pants ko ung mga kamay ko at napatingin ako sa sahig.

Naisip ko bigla ung nangyari kahapon. Asawa ko pa rin pala siya, pero magdidivorce din naman pala kami. Nakakalungkot lang isipin na imposible ng maging kami ulit…

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon