Tahimik na naglakad si Vicente sa kalye papunta sa hospital para sa anak, Julie is following behind him nang biglang lumingon si Vicente, napahinto si Julie.
“Pasensya na po kayo sa nagawa ko kanina.”
Ngumiti si Julie, “It’s okay. I understand po.”
Hindi maintindihan ni Vicente kung ano ung naiintindihan niya.
“Pero ayos lang po ba kung hindi niyo po ako susundan? Gusto ko po sanang pumunta doon ng mag-isa.”
Tumango na lang si Julie sa request ni Vicente. Gusto niyang makita ung anak ni Vicente pero nirerespeto niya ung request niya.
Ngumiti lang si Vicente at naglakad na palayo.
.
Dumerecho agad sa shower si Julie, pero may bigla siyang naramdaman na mahapdi sa tuhod niya habang nagshoshower. Ngayon lang niya napansin na nagasgasan pala ung pareho niyang tuhod and medyo mahapdi nga.
Nagapply agad siya ng antiseptic nang makalabas na ng shower room. Suot ang bath robe, humarap si Julie sa salamin at nagblower ng buhok.
Nagsuot siya ng night gown after at humiga na sa kama. Hindi pa siya kumakain ng dinner at 8 pm pa lang ng gabi pero pagod na pagod na siya. Ang daming nangyari ngayong araw na to, mga nangyaring nagpatibay lamang sa paniniwala niyang walang puso si Elmo.
If it’s her fate to die, then just accept it.
If it’s her fate to die, then just accept it.
If it’s her fate to die, then just accept it.
Paulit ulit na nagrereplay sa utak ni Julie ung sinabi ni Elmo. Kaya ba ganon na lang niya kadaling tanggapin ung nangyari sa anak nila? Mabuti na lang pala hindi niya nailabas ng buhay si Ellie, dahil ayaw niyang ipakita sa anak na ganyan ung tatay niya, walang puso.
-
Elmo can’t get that incident out of his mind. Maybe because kahapon lang siya nangyari kaya fresh pa.
“We clearly have to file a lawsuit.” Sabi ng isa sa mga director.
They’re having a meeting right now, tungkol sa incident na nangyari kahapon.
Napaisip tuloy si Elmo, kailangan bang umabot sa demandahan ung nangyari kahapon? Walang namang nasaktan physically, but emotionally sigurado siyang meron.
“No. Wala namang nasaktan so let’s just forget about it.”
BINABASA MO ANG
The Unconditional Love (JuliElmo)
FanfictionOne sided love? It can actually lead you to a marriage. *wink ---- Since I'm a JuliElmo Fan. Here's another JuliElmo Fan Fiction! Yeyyyyy! PS. Hindi po ako professional so if may terms o words man na hindi ko nagamit ng maayos, pasensya na. Isa lang...
