Chapter 45

3.4K 83 8
                                    

<Julie’s POV>

Yung totoo? Hindi ko alam kung ano ba talaga ung status naming dalawa. Months ago, we’re just co-workers, last week strangers kami and now, what?

Biglang dumating si Elmo with 2 cups of coffee. Yeah, nasa coffee shop kami and hindi ko alam kung bakit ako nandito kasama niya.

Kinuha ko ung coffee at uminom agad ako, hindi ko na siya inantay na umupo. After kong makainom ng isang sip, tumingin agad ako sa ibang direction habang umupo naman siya sa tapat ko.

“So, galit ka pa rin?”

Hindi ko siya pinansin. Galit? Ako? Obvious ba?! Pagkatapos niyang mag 'goodbye' saakin tapos bigla na lang siya susulpot at yayakapin ako? Ano to, Elmo? Are you making fun of me?

“Julie…”

Woah. Don’t you ever call my name. Punung puno na ko, isa pa talaga ibburst out ko na tong inis na kanina ko pa nararamdaman.

“Julie, galit ka talaga?”

Humarap ako sakanya, “Galit? Ako? Obvious ba? Magpapaa-paalam ka tapos bigla kang susulpot and yayakapin ako tapos ineexpect mo na hindi ako magagalit? At saan ka naman napaaway at nagkapasa ka ng ganyan?”

Alam kong nagulat siya sa bigla kong pagsasalita. Pero actually I feel so much better right now kasi nailabas ko na rin ung inis na kanina ko pa kinikimkim. At nagulat din ako sa huli kong sinabi, syempre nagaalala ako pero hindi ko naman kailangang sabihin pero nasabi ko.

Napangiti siya, “May nasaktan kasi ako. Kaya eto, karma.”

“Ang dami mo namang nasasaktan. Buti nga sayo, sana natauhan ka.” I said that but I didn’t mean to. I mean sinabi ko lang kasi nga diba galit ako.

Natawa siya, pero ung saglitang tawa lang na parang naglabas lang ng hangin sa ilong. “Alam mo ba, Julie… Akala ko tama ung decision ko na magpaalam sayo eh. Pero nung napanood kita kanina sa presscon, I realized na hindi pala talaga kita kayang pakawalan. I realized na there will be a lot of changes na mangyayari na hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin. I realized that hindi nawala ung pagmamahal ko sayo, kasi lalo lang siya lumalalim.”

So kailangan ko pa palang magrisk ng something on a national television bago niya marealize yun?

“Julie, will you give me another chance?”

Nagulat ako sa sinabi niya. Chance? Humihingi siya ng chance? Are we going to start all over again? Paano kung masaktan ulit ako?

“Alam kong laging ako ung may dahilan kung ba’t ka nasasaktan. Pero sana mabigyan mo ko ng chance para itama ko ung mga mali ko.”

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sakanya. Anong nararamdaman ko? Naguguluhan ako sa sitwasyon namin. Kasi ba’t gusto niyang makipagbalikan all of a sudden?

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon