Nagising ako sa sobrang ingay sa labas ng unit namin. Lumabas ako ng kwarto at nakita kong bukas ang kwarto ni Elmo. Mukhang umalis na siya. Lagi naman siyang wala dito. Umaalis pag tulog pa ko, at umuuwi pag tulog na ko. Oo, dalawa ang kwarto dito. Tig-isa kami ni Elmo. Para talaga sa baby yung isa, pero ginawa ko munang kwarto ko pansamantala.
Yung ingay sa labas di pa din tumitigil. Parang may nagbababa ng gamit. Papunta na sana ako ng pinto nang biglang pumasok si Manang at pareho kaming nagulat sa isa’t isa.
“Manang naman! My God nagulat ako, buntis ako Manang!” hawak ko sa tiyan ko.
“Julie naman, matanda na ko! Nagulat din ako. Yung puso ko..” hawak ni Manang sa dibdib niya. Astig talaga tong si Manang. Hahaha! Ganon lang kami magusap ni Manang since matagal ko na siyang kilala. Saamin siya nagtatrabaho dati pero huminto saglit para alagaan ung apo sa probinsya pero andito na ulit siya so yey. Close ko kasi talaga si Manang. And now, alam din niya kung anong meron saaming dalawa ni Elmo pero pinakiusapan ko na wag munang sabihin kila mama.
“Anong meron sa labas? Ba’t ang ingay?” tanong ko sabay derecho sa kitchen para magtimpla ng gatas.
“May bagong lipat kasi sa tapat natin. Nakita ko nga yung bumili eh, ang gwapo!” Buwelta ni Manang while helping me pouring the hot water into the glass.
I stir my glass of milk, “Really? Buti kinuha nila ung unit sa tapat? I mean 1 year raw un available diba?”
Tumango si Manang habang naglilinis ng pinggan na naiwan kong nakatambak kagabi, “Oo, e kailangan kasi nung amo ng malapit na unit sa office niya. Saka maganda naman ung unit sa tapat, konting linis lang okay na.”
Tumango ako.
“Oo nga pala, tumawag mommy mo kanina nung tulog ka pa, kinakamusta ka.”
Medyo kinabahan ako, “Ano pong sinabi niyo?”
“Wag kang magalala. Hindi ko sinabing di kayo nagpapansinan, ang sabi ko lang ayos lang kayo.”
Tumango ulit ako.
“Naabutan niyo po ba si Elmo kanina? I mean Sunday kasi ngayon. So hindi ko po alam kung saan siya nagpunta.”
Umiling si Manang, “Hindi ka pa nasanay sa asawa mo. E lagi naman un ganun, laging wala dito. Nakalimutan ko na nga kung ano itsura nun eh.”
Natawa ako. Oo nga, kahit ako. Nakalimutan ko na kung ano itsura non. Pero joke lang yun, paano mo naman kasi makakalimutan ung itsura ng first love mo? Kahit siguro 20 years kaming di magkita, maaalala ko pa rin ang itsura niya.
-
Summer vacation na nila Maqui, that means si Elmo din. 4 months na ko, at malaki laki na rin yung tiyan ko. Ano kaya mangyayari saamin ni Elmo ngayong bakasyon? I mean ngayong wala na siyang dahilan para umalis araw araw. Makakapagusap na kaya kami sa wakas?
Actually pinatitigil muna siya ng Dad niya sa pagaaral. Since magkakafamily na kasi siya, sinuggest ng Dad ni Elmo na magtrabaho muna siya sa company nila as the manager sa isa sa mga department nila. Sabi naman ng Dad niya hindi niya kailangang matapos yung 5 year course niya para malaman kung paano ipatakbo yung company nila. Madali lang naman daw mag manage, sa decision making and strategies lang magkakatalo. Pero Elmo is a smart guy, kaya tiwala ang dad niya na magagawa niya yun.
BINABASA MO ANG
The Unconditional Love (JuliElmo)
Fiksi PenggemarOne sided love? It can actually lead you to a marriage. *wink ---- Since I'm a JuliElmo Fan. Here's another JuliElmo Fan Fiction! Yeyyyyy! PS. Hindi po ako professional so if may terms o words man na hindi ko nagamit ng maayos, pasensya na. Isa lang...
