<Julie’s POV>
Wala pang 5 minutes after kong makarating sa venue, dumating na yung secretary. Tinawag niya kami isa isa and hindi na ko nagulat nang malaman kong nandito rin si Stacy and Hannah. I look around pero hindi ko mahanap si Alden, wala din siya sa list, ano kayang nangyari dun? Wait, hindi kaya hindi talaga siya nakapasok tapos napressure sakin so sinabi niyang pasok siya?
It’s already time pero may tatlo pang nawawala saamin.
“Kasama sa training na to ang pagiging punctual, so if late ka, you’re out. So I am officially announcing that 17 na lang kayo.” Sabi nung secretary, mataray pa rin siya.
Wow. In an instant nabawasan agad kami ng tatlo.
“For your next round, please follow me.”
Nauna siyang pumasok sa isang room, then sumunod kami. May mga 20 tables and chairs siguro na good for one person each ung laman ng room, I think para saamin yun.
“Today, itetest namin yung knowledge niyo in designing. You can sit wherever you want, and we will start the exam in 10 minutes.”
.
Wala akong idea kung nasagot ko ba ng tama ung100-item exam na ‘yon. And wala din akong idea kung bakit ganito or kung ano ung way nila ng paghahanap ng trainee. Pero yung nakakatawa? Yung fact na nandito ako, hinihintay ung results ng exam, sa kabila ng mga weird ways and techniques nila.
Sinabihan kami ng secretary na bumalik after half an hour for the results pero wala akong maisip na puwedeng puntahan so mas pinili kong maghintay na lang dito sa venue. Lima lang kaming naiwan dito sa venue para maghintay, yung iba namasyal.
Nagkukuwentuhan ung apat dun sa isang bench pero mas pinili kong mapagisa dito sa kabilang bench, hindi ko feel makipagsocialize.
“I am getting married next month!” Excited na sigaw nung isa sa mga kasama niya. Napatingin ako sakanila. ‘Married’, anong nakakaexcite dun?
“Maghihiwalay din kayo.” I thought. Napatingin sila saakin and I didn’t realize na nasabi ko pala siya and it’s loud enough for them to hear it.
Tumingin sila saakin with confusion on their eyes. Wala akong ibang maisip na puwedeng gawin, nilagay ko agad sa tenga ko ung hawak hawak kong phone at nagkunwaring may kausap.
“Maghihiwalay din kayo kasi…hindi naman ganon kalakas kapit ng glue sainyo diba? Ha-ha-ha.” Oh shet. Glue? What the hell am I talking about? Nung maramdaman kong inalis na nila ung tingin nila saakin, nakahinga na rin ako ng maluwag.
20 minutes have passed and biglang dumating si Hannah, umupo siya sa tabi ko at naglabas ng sigh.
“Is there a problem?”
“That Stacy, pagkatapos niya kong ayain sa coffee shop e hindi rin naman pala ako kakausapin. I mean 10 minutes siyang nagsasalita sa phone and she keeps on laughing na parang wala ako. Hello? May kasama siya?!”
BINABASA MO ANG
The Unconditional Love (JuliElmo)
Fiksi PenggemarOne sided love? It can actually lead you to a marriage. *wink ---- Since I'm a JuliElmo Fan. Here's another JuliElmo Fan Fiction! Yeyyyyy! PS. Hindi po ako professional so if may terms o words man na hindi ko nagamit ng maayos, pasensya na. Isa lang...
