Hindi ako nagpadala sa sinabi ni Ate... I mean Lo. Tinuloy ko pa rin ung plano ko na simple birthday dinner for Elmo. Tinulungan ako ni manang sa pagluto pero ako mismo lahat gumawa dahil mas gusto kong ako ang magluluto ng dinner para sa special day ni Elmo.
He promised me na uuwi siya ng maaga para makapagcelebrate kami. I know that he’s going to keep his promise and he will be here soon. It’s just 5:30pm, there’s no need to hurry. Baka natraffic lang siya sa daan since rush hour na, or baka naman tinambakan agad siya ng dad niya ng trabaho and kailangan niyang mag overtime. Ayokong magisip ng ibang possibilities, the more that I think about it, the faster my heart beats.
“Mauuna na ko ha?” Paalam ni manang na para bang nagaalinlangan. Tumango ako and ngumiti ako sakanya to show that I’m okay.
Pagkaalis ni manang, Ibinalik ko ulit ung tingin ko sa hinanda ko. Beef steak, adobong manok, of course ung paborito niyang sinigang, and mawawala ba ung cake na ako mismo nagbake?
I just stared at the cake, favorite yan ni Elmo, ung chocolate flavor, I even add some fresh strawberry fruit sa ibabaw para maging more presentable. It is a round shaped cake with a lighted candle, a candle that is waiting for someone to blow it. Just like the candle, naghihintay din ako.
It’s getting darker and darker, pero hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. I’m still sitting here in the dining area with these foods, waiting for him. Madilim na sa paligid ko and the only light that is supporting me is the light from the birthday cake candle. Lumiliit na ung candle, natutunaw na siya. Anytime soon, mauubos na siya. Parang ung pasensya ko, feeling ko mauubos na. Pero hindi, alam kong darating siya, alam kong hindi na niya ulit ako bibiguin. Nagawa ko nga siyang hintayin ng ilang buwan eh, ngayon pa kaya na alam kong malelate lang siya ng isang oras o dalawa? Hindi, kalma lang. Darating siya, dahil nag promise siya.
But the silence is killing me. Sanay na kong nagiisa, sanay na kong nasasaktan, pero bakit ngayon parang nadidisappoint ako? Feeling ko may mangyayari ngayon. Woman instinct ba tawag dito? Pero ewan, hindi ako naniniwala dun.
I check my watch and there, it is already 6:30pm. Huminga ako ng malalim to release my nervousness nang biglang may nagtext.
From: 0927*******
Hey, it’s Elmo. Nalowbat phone ko so I borrowed my secretary’s. I changed my mind. Let’s have a dinner at Red in Makati Shang. I’ll be waiting for you. :)
Napangiti ako. Atleast alam kong susulpot siya. Atleast hindi niya ko iniwan sa ere.
Tumayo agad ako and niligpit ko ung mga hinanda ko. Tinanggal ko ung candle sa cake and binalot ko ung cake sa box, I have to bring this to him.
Paglabas ko ng unit nagulat ako sa nakasalubong ko, si Alden. Papasok sana siya ng unit niya pero nagulat din siya sa paglabas ko.
“Home from work?” I ask him. Medyo awkward since ngayon lang ulit kami nakapagusap or nagkita ulit after nung nagkasakit siya.
BINABASA MO ANG
The Unconditional Love (JuliElmo)
FanfictionOne sided love? It can actually lead you to a marriage. *wink ---- Since I'm a JuliElmo Fan. Here's another JuliElmo Fan Fiction! Yeyyyyy! PS. Hindi po ako professional so if may terms o words man na hindi ko nagamit ng maayos, pasensya na. Isa lang...