Chapter 22

5.3K 67 9
                                    

<Elmo’s POV>

Dinala ako ni Lo dito sa isang fastfood chain na malapit sa company nila. Nagulat ako kasi dito niya ko dinala. I mean hindi kumakain si Lo sa mga ganitong kainan. It’s like a carinderia na mas pinalaki.

“You eat here?” I asked her immediately pagkaupo namin sa plastic chair.

Napatingin saakin si Lo at natawa, “Of course? I’m also human, Moe. I do eat human food.”

Natawa ako, “You’ve changed.”

“Is that change good or bad?”

“It’s good.”

Natawa siya, “Wag mo na kong bolahin, mag order ka na. Self service dito so no one’s going to serve you.”

“So kaya mo ko dinala dito para makatipid ka sa ililibre mo sakin?” Pabiro kong tanong.

Tumango siya at natawa, “Oh, you got me. Kailangang magtipid, Moe.”

Tumayo siya and nauna siyang pumunta dun sa cashier para magorder. I’m really glad na okay siya ngayon, I’m really glad na bumalik na ung dating Lauren na minahal ko, ung dating Lauren na simple, I’m really glad na bumalik na ung ngiti niya. Yung ngiting hindi pilit, ung ngiting walang halong kaplastikan, ung ngiting mula sa puso.

After eating I decided na ihatid si Lo since nilakad lang din namin from their company to here.

“It’s my way to show my gratitude na nilibre mo ko.” I reasoned out. Tumanggi kasi siya na ihatid ko siya since malapit lang naman daw ung company nila dito.

Natawa siya, “Sige na nga!”

-

<Julie’s POV>

Ang bilis nila maginterview, just after 30 minutes, number 55 56 and 57 na next. I’m number 57, therefore I’m next.

Hindi dapat ako kakabahan. Pero after observing those applicants na kakatapos lang interview-hin, nakakakaba din pala. Halos lahat sila mangiyak ngiyak na lumabas, bilang sa kamay ung mga lumabas na kalmado, at siguro mga tatlo lang ung lumabas na may confident sa mukha.

“Do this happen like every year?” Tanong nung kulot na babae sa shoulder-length hair na babae. Number 56 pala si kulot, si shoulder-length hair naman number 55. So kaming tatlo ung magkakasabay.

“Yeah, mas malala nga last year eh. Kasi may nagwala kasi hindi natanggap sa next round, so nagtawag pa sila ng security.” Sagot nung shoulder-length.

“That was creepy.”

“I know! Muntik pa nga niyang makalmot ung secretary eh! So competitive. Loser.”

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon