Chapter 2

6.9K 68 0
                                    

*Continuation ng flashback ng chapter1* Lol

“Hangga’t maaga pa, tigilan mo na yan Julie. Pwede pang masave yang feelings mo.”

“Maqui. Minsan ka na ring nagmahal kaya alam kong you understand me.”

“That’s why I’m doing this. Ganyan yang mga lalaking yan, pag alam nilang gusto ka nila, makikisakay sila. Tapos pag nagsawa sila, tayo din tong itatapon.”

“Hoy hindi lahat ng lalaki ganyan ah!” Pagtatanggol ni Sef sa sarili.

“Oo nga naman. Hindi lahat ganyan..” Sabat ni Julie sabay sulyap kay Elmo.

“E nasaan ba yang ate mo at iniwan yang jowa niya na nagpapakalasing?”

Umiling lang si Julie kay Maqui nang biglang pumasok sa eksena si Elmo na medyo lasing na.

“May I borrow Julie for a while?”

“Moe, lasing ka na.” sagot ni Maqui.

“Maq,“ saway ni Julie, “I can handle this. Sige na.”

May pagaalinlangan sa mga mata ni Maqui at Sef pero dahil pinapalayas na sila ni Julie ay wala na silang magagawa.

 

“Moe, bakit?”

“Julie. Please help me.”

“Why? What happened?”

“Your sister,” Naluluhang sinabi ni Elmo kay Julie.

Hindi mapakali si Julie, ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang mahal niya. Pero mas masakit para kay Julie ung nasasaktan ang taong mahal niya dahil sa pagmamahal nya sa isang taong kailanman ay hindi magiging siya.

Isang buwan lang ang tanda ni Elmo kay Julie. So, that means mas matanda si Lauren ng isang taon kay Elmo, pero kahit ganoon, nagkakasundo pa rin ang dalawa. Ika nga nila, ‘Age doesn’t matter.'

“Huh? Bakit?”

“Nakita niyang may kausap akong girl kanina. She got jealous and inexplain ko naman na pinsan ko lang talaga ung kausap ko pero hindi siya naniniwala. So please, kausapin mo siya. Please?” May luhang pumatak sa kaliwang mata ni Elmo that made Julie’s heart melt.

Hindi pa nakakasagot si Julie nang bigla itong natumba at napahiga sa sahig, nakatulog yata sa sobrang lasing. Dali-daling lumuhod si Julie at tinapik tapik ang mga pisngi ni Elmo.

“Moe? Moe! gumising ka! Huy!”

“Umm..” lamang ang naisagot ni Elmo.

Ikinuha ni Julie ang mga braso ni Elmo at pinatong sakanyang balikat, nang biglang lumapit si Maqui.

“Nangyari?”

“Nakatulog na sa sobrang lasing. Maq, tulungan mo naman akong dalhin to sa kotse ko.”

“Ano balak mo sakanya?”

“Malamang iuuwi ko sa condo niya, alam ko naman kung saan unit niya since I’ve been there once nung may pinakuha sakin si Ate.”

“Sure ka?”

“Don’t worry about me Maq. Sige na, tulungan mo na ko.”

Tinulungan naman ni Maqui si Julie, kinuha nito ang kabilang kamay at ipinatong rin sa sariling balikat, sabay silang tumayo at pilit na kinakaya ang bigat ni Elmo.

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon