Bago po ninyo basahin itong chapter na to. Naka boto na ba kayo sa yahoo? Pleaseeeee vote for them! Idefend natin ung title nila ang patunayan sa lahat na hindi pa rin tayo nawawala, na nandito pa rin tayo nakikipaglaban para sa karapatan ng JuliElmo! Chos. Pero seriously, vote for them pls. :))
#MalePerformeroftheYear
#FemalePerformeroftheYear
- - -
<Julie’s POV>
Dumerecho kami ng training center ng Elizabeth’s nang makarating kami ng France. Wala na kaming panahon para mamasyal pa dahil according to Alden, 2 months before pa nagstart ang ibang trainees sa pagtetrain.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko nung makarating na kami sa training center. This is the world’s most famous training center for the designers. Halos lahat ng successful designers ay dito nanggaling. Hindi ka rin basta basta puwedeng pumasok just because you want to, napakaraming procedure ang dapat mong pagdaanan bago ka makakapasok.
Naunang pumasok si Alden at sumunod ako. Umakyat kami sa may second floor at nandoon pala lahat ng mga trainees, busy na busy sa kani-kanilang sketch.
“Excusez-moi.” Sabi ni Alden and napunta agad sakanya ung attention ng mga trainees. Hindi ko naintindihan ung sinabi ni Alden pero mukhang ‘Excuse Me’ yung sinabi niya.
Yung sunod na sinabi ni Alden ay hindi ko na talaga maintindihan, bigla na lang pumalakpak ung mga trainees after magsalita ni Alden. Nagspeech ba tong si Alden at pinapalakpakan siya? Ayokong magmukhang tanga kaya pumalakpak na rin ako.
“Winewelcome ka nila through clapping since pinakilala na kita.” Bulong saakin ni Alden.
Napatigil ako sa kakapalakpak at ngumiti na lang. Medyo napahiya ako dun ah, pero keribels lang. Winewelcome ko lang din ung sarili ko. Haha
.
Halos three days na rin ang lumipas since pinakilala ako ni Alden as a trainee dito sa training center ng Paris Branch ng Elizabeth’s. Three days but it feels like I’ve been here for three months. Hindi madaling magsimula ulit lalo na sa unfamiliar environment na to. Mahirap makipagcommunicate lalo na’t pag hindi ka marunong mag French. Yes they are friendly pero hindi mo pa rin maiiwasan na minsan maa-out of place ka since ako lang ata ang pinoy among the trainees and magkakakilala na silang lahat kasi 2 months na rin silang magkakasama samantalang kakapasok ko pa lang.
Mabuti na lang talaga at nandito si Alden, kung hindi baka mabaliw na ko sa sobrang pagka loner.
I was eating lunch alone dito sa cafeteria ng training center ng Elizabeth’s nang biglang may umupo sa tapat ko. Si Alden.
“Good thing may Filipino food na sineserve dito, atleast hindi ako mahohome sick.”
Natawa ako, “Yeah, buti marunong silang magluto ng Filipino food?”
BINABASA MO ANG
The Unconditional Love (JuliElmo)
FanfictionOne sided love? It can actually lead you to a marriage. *wink ---- Since I'm a JuliElmo Fan. Here's another JuliElmo Fan Fiction! Yeyyyyy! PS. Hindi po ako professional so if may terms o words man na hindi ko nagamit ng maayos, pasensya na. Isa lang...
