“I didn’t expect na may ganito palang view sa rooftop ng hospital.”
Napatingin si Elmo kay Lo, then back at the view and smiled.
“Well we always think of the worst the moment we hear the word ‘hospital’.”
‘Yeah. Anyways, napapadalas ka yata sa pagdalaw saakin?” Lo said as she raises her head para makita si Elmo.
Tumingin si Elmo sa nakawheelchair na si Lo. Everytime na nakikita ni Elmo si Lo na nasa wheechair, nandun ung guilt and regrets.
When Elmo didn’t say anything, yumuko si Lo and pilit na ngumiti, “Moe, you don’t have to do this just because nakokonsensya ka sa nangyari saakin or what. I’m okay. In fact, puwede na raw akong umuwi the day after tomorrow. Nagalisan lang naman ng bala ung binti ko and OA lang sila Dad kaya ako nakawheelchair.”
Napatingin si Elmo sa maliit na portion ng kaliwang binti ni Lo na may bandage, “I’m sorry.”
Napatingin si Lo kay Elmo and kitang kita niya ung guilt sa mukha ni Elmo kaya bigla siyang tumawa to lighten up the atmosphere.
“Moe! Hindi ako bandado okay? Kung gusto mo mag marathon pa tayo next week eh!”
Natawa naman si Elmo at tumango na lang kay Lo.
Sandaling nabalot ng katahimikan ang dalawa habang nakatingin sa magandang view na makikita sa rooftop ng hospital kung saan nakaconfine si Lo. From the rooftop, kitang kita ung iba pang mga buildings sa paligid, and sa di kalayuan makikita rin ung ManilaBay.
Biglang may naalala si Lo na nagpadown ng kanyang mood. Ayaw niya sanang alalahanin pa yun kasi nangyari na, pero hindi niya maiwasang malungkot sa tuwing makikita niya si Elmo.
“I’m sorry. It was my fault.”
Napatingin si Elmo kay Lo. Syempre alam ni Elmo kung bakit siya nagsosorry, pero ayaw na niyang pagusapan ang mga bagay na yan kaya hindi na lang siya sumagot.
“Siguro galit ka saakin ngayon. Siguro gusto mo kong itulak sa building na to. Sigu—“
“Lo. Oo, nadisappoint ako, oo nagalit ako. Pero hindi sayo, kundi sa tadhana. It’s not your fault. Hindi ko lang alam kung bakit ko kailangang maranasan ang mawalan. Pero tanggap ko naman.”
“Believe me, nalungkot din ako ang nagalit din ako sa sarili. Moe, she’s part of the family, kaya ang laki ng pagsisisi ko nung mangyari ung aksidenteng yun.”
“I know, I know. Minsan naiisip ko, siguro things would have been better if she’s still here.”
“Of course it will. I know deep inside you that she means the world to you.”
BINABASA MO ANG
The Unconditional Love (JuliElmo)
FanfictionOne sided love? It can actually lead you to a marriage. *wink ---- Since I'm a JuliElmo Fan. Here's another JuliElmo Fan Fiction! Yeyyyyy! PS. Hindi po ako professional so if may terms o words man na hindi ko nagamit ng maayos, pasensya na. Isa lang...
