Chapter 23

5.1K 72 5
                                    

It’s almost a week since nung nangyari ung interview, it’s almost a week since nakita ko si Elmo. Alam kong ako mismo nagsabi na maghiwalay na kami, pero I can’t do it. I already have the divorce papers na tinawag ko sa family lawyer namin, but I can’t sign it. Yes I do hate him, but not to the extent na makikipaghiwalay ako. Pero bakit ko nga ba un sinabi in the first place? Siguro dahil sa tuwing nakikita ko siyang masaya na kasama si Lo, naiinis ako. Bakit hindi niya magawang ngumiti ng ganyan saakin? Nakakatawang isipin na alam ko rin ung sagot sa mga tanong ko. Malamang, si Lo kasi ang mahal niya. Masakit umasa, pero mapilit ako, umasa pa rin ako that time at eto ang nangyari sakin, I’m broke.

Just a little while ago tumawag saakin ung pinagapplyan ko last week, pasok na raw ako sa top 20. And the day after tomorrow, pumunta daw ulit ako don para sa next round. Wala naman silang pinapadala like my sketches basta daw dapat laging handa. Scout lang ang peg? Nakakagulat na nakapasa ako, pero kahit papaano thankful ako. Actually up until now hindi ko pa rin alam kung anong meron dun sa training na yun, kakaiba ung paraan nila. Parang game show lang. Hindi kaya gag show yun at isa ako sa mga biktima? Possible. Pero nilagay sa dyaryo? Wow, anong gag show kaya yun at ang laki ng ginastos nila? Ang alam ko kasi mahal ang bayad sa kahit maliit na space sa dyaryo noh, paano pa kaya ung space na ininvade nila?

Wala akong corporate or semi-formal clothes dito sa condo ko, nasa unit ni Elmo ung iba. Well unit naming yun pero since andun siya at andito ako, kanya un. And after all Dad naman niya ung bumili e, so kanya yun. And I think kailangan ko ng corporate attire para sa next round nung inapplyan ko. Wala naman akong sapat na pera, so what choice do I have? Kailangan kong pumunta sa unit.

Hindi naman maaraw pero naka sunglasses ako, ang init init pero balot ng scarf ung buong mukha ko. Wala akong choice, kailangan kong magtago, di ako dapat makita ni Elmo.

Nakarating agad ako ng elevator ng walang kahirap hirap, wala naman sigurong nakakilala saakin. Pasara na yung elevator nang may biglang humabol. Tinignan ko kung sino tong epal na sisirain pa ata ung plano ko. Nag eye to eye contact kami ng three seconds, at napayuko agad ako. Shet. Si Alden. Nakalimutan kong dito rin pala siya nakatira. Lumapit siya para pindutin sana ung button ng floor ng pupuntahan niya pero binaba din niya agad ung kamay niya nung makitang napindot na pala ung 15th. Shet pinindot ko na kanina. Same floor pala kami ugh. Makikilala kaya niya ko? Umatras ako then hinigpitan ko ung scarf ko. Naramdaman kong tumingin siya saakin, though medyo malayo na siya, pakiramdam ko anytime mabubuking niya ko. So wala akong choice, pumindot ako ng bagong button, 10th. Mag hahagdan na lang ako.

Lumabas agad ako nung makarating ako ng 10th floor, nakahinga na rin ako ng maluwag. Thank you, Lord! So yeah, maghahagdan ako. Using stairs is not a bad idea, pampabawas din ng fats yun.

Hindi ko alam kung ilang minutes ang tinake ko bago ako nakarating ng 15th floor, basta ang alam ko, stairs is actually a bad idea. Hindi ko inexpect na madami palang steps, 5 floors pa naman ung inakyat ko. Pero atleast nakarating ako ng buhay. Once again yumuko ako, konting lakad na lang makakarating na ko sa unit. Hindi ko alam kung paano ako makakapasok ng hindi nahahalata ni Elmo, mamaya ko na lang gagawan ng paraan.

Isang liko na lang andun na ko. Pagliko ko, napatigil ako, nanigas ako, para akong naparalyzed. Kailangan kong umiwas so tumalikod agad ako at maglalakad na sana palayo.

“Sa tingin mo hindi ka makikita?”

Napatigil ako. Shet nahalata pala niya ko. Lumingon ako sakanya at ganun pa rin ung position niya. Nakasandal siya sa may pader malapit sa unit niya, tapat ng unit ni Elmo.

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon