Hi MyTrish! Thank you sa pagsupport and pagtyatyaga!! :)) God Bless! :* :)
- - - -~Sunday Morning~
<Julie’s POV>
Pagkabalik ko from jogging, chineck ko ung e-mail ko and I received a message from HM Enterprise saying that bukas na raw nila sisimulang gawin ung building. Puwede naman daw akong pumunta and puwede ring hindi. It’s up to me na raw.
Pupunta ba ko or hindi? Siyempre kailangan kong pumunta kasi ako ang inassign ni Ms. Beth. Pero ayoko kasing pumunta kasi alam kong nandun si Elmo. Pero nagtiwala saakin si Ms. Beth, pero ayokong makita ung taong yun. Waaahhh di ko na alam. =|
Bukas pa naman so bahala na bukas. Hindi ko namalayan na ilang oras na pala akong nakatitig sa laptop screen and wala pa kong nakakain simula nung bumalik ako ng condo from jogging. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch pero sa bawat galaw ko naaalala ko lang ung ginawa nung lalaking yun saakin nung isang araw. Ang lakas talaga ng loob niyang sabihan akong unprofessional. So kasalanan ko pa pala na kinailangan kong bumalik that day para lang sa 10 minutes na meeting? That guy, lalo lang akong naiinis sa kanya sa tuwing naiisip ko siya.
Binuksan ko ung refrigerator pero wala pa palang laman. Nakalimutan ko na puro fastfood ung kinakain ko simula nung bumalik ako, so isang linggo na rin pala ang lumipas. Kinuha ko ung phone ko para mag order na lang ng food, pero naisip ko kailangang ko ring mag grocery.
Grocery lang naman ang pupuntahan ko so nagpatong lang ako ng jacket sa suot kong sleeveless, hinayaan ko lang nakaponytail ung hair ko and hindi ko na pinalitan ung jogging pants ko. Sinuot ko ulit ung rubber shoes ko then kinuha ko wallet ko and phone.
Hindi naman ako ung pawising tao so hindi pa naman ako amoy pawis, amoy tao pa naman ako.
I drove my car and after 10 minutes of driving, nakarating din ako sa grocery.
-
<Elmo’s POV>
“Seeer.” Tawag nung kasambahay ko sa condo. Napunta sakanya ung attention ko and iniwan ko muna ang panonood ng Sports Channel. “Wala na pong laman ung ref ninyo.”
Tumango ako sakanya, “Sige. I’ll go to the grocery.”
Bumalik na sa paglilinis sa kusina si manang. Every Sunday lang naglilinis si Manang dito sa condo, hindi naman kasi ako makalat sa bahay kaya hindi ko kailangang ipalinis to araw araw. Pero pagdating sa paggogrocery, ako ang laging namamahala. For two years ako na talaga bumibili ng grocery sa sarili kong condo kaya masasabi kong alam ko ang fresh sa hindi, alam ko ang dapat bilhin sa hindi.
Pinatay ko na ung tv and nagpunta na ko ng kwarto para magpalit ng plain white shirt and blue jeans, nagsuot na lang din ako ng tsinelas. Nilagay ko sa bulsa ng jeans ko ung wallet ko pati na rin ung phone ko and lumabas na ko ng condo ko.
BINABASA MO ANG
The Unconditional Love (JuliElmo)
FanfictionOne sided love? It can actually lead you to a marriage. *wink ---- Since I'm a JuliElmo Fan. Here's another JuliElmo Fan Fiction! Yeyyyyy! PS. Hindi po ako professional so if may terms o words man na hindi ko nagamit ng maayos, pasensya na. Isa lang...