Chapter 17

5.5K 65 9
                                    


Hi po! Sorry po talaga kung ngayon lang po nakapagupdate ulit. :( I am so so sorry. :( Thank you po sa support kahit po nawala po ako ng almost two months! :)) <3

 

 - - -

<Julie’s POV>

Inaalagaan niya ko. Hindi ko alam kung ano bigla ung nakain niya at naging mabait siya saakin. Isang linggo na simula nung nagkaayos kami. Isang linggo na niya ko inaasikaso. Isang linggo na ang nakakaraan simula nung nahulog ulit ako sakanya.

Sa bawat araw na dumadaan, lalo akong nahuhulog sakanya. Ayoko ng ganitong feeling, dahil sabi nga nila, lahat ng happiness may hangganan din. But who cares sa kung anong mangyayari sa future? Gusto ko munang inenjoy kung anong meron kami ngayon.

Sabi niya sakin susubukan daw niya kong mahalin. Ayokong umasa na magagawa niya kong mahalin, pero I’ll try my best to make him fall in love with me.

“Para saan ba kasi to?” Asar na tanong ni Maqui saakin.

“Maqui. In two weeks, birthday na ni Elmo. So dapat turuan mo kong magbake ng cake.” Ngiti ko sakanya sabay crack ng egg sa isang bowl. Si Maqui lang ang makakatulong saakin since nagaral siya ng baking last summer.

“Bumili ka na lang kasi ng cake. Alam mo bang simula nung nag summer vacation e wala na kong tulog because of our damn company?” Sambit niya sabay higa sa couch ko.

Pinuntahan ko siya at hinila ko ung mga kamay niya, “C’mon! Diba sabi ko naman sayo gagawin ko ung best ko para mafall siya saakin? Kailangan ko siyempreng mag bake with all my heart para ma touch siya.”

Hinayaan niya kong hilain siya hanggang sa makarating ulit kami sa kitchen, “Y’know what? Kung hindi lang talaga kita mahal eh. Baka iniwan na kita dito sa unit mo.”

Ngumiti ako at niyakap ko siya, “I know. Love you Maqui!”

-

<Maqui’s POV>

I’m happy for Julie. Pero hindi ko mapigilang magalala sakanya because of Lauren. Hindi pa rin alam ni Julie na nagkikita si Lauren and si Elmo, hindi ko kayang sabihin sakanya. Lalo na ngayong magkaayos na sila ni Elmo. Pero tinapos na kaya ni Elmo ang lahat between him and Lauren? Sana oo, dahil sobrang masasaktan si Julie pag nalaman niyang may relasyon pa rin si Elmo and Lauren.


-

<Elmo’s POV>

Alam kong I decided na susubukan kong mahalin si Julie. I’ll give it a try. Hindi ko maipapangako na mamahalin ko siya, pero susubukan ko.

Kasunod ng desisyon kong subukang mahalin si Julie e ang desisyon na layuan muna si Lo. Hindi ko kayang makipaghiwalay sakanya, lalayuan ko lang muna siya. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Lo, hindi ko pa siya kayang iwan. Alam kong napaka unmanly ng desisyon ko, alam kong napaka unmanly na may Julie na ko, may Lo pa. Pero anong magagawa ko? Kahit anong gawin ko, laging may nasasaktan.

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon