Chapter 14

5.8K 59 5
                                    

Hi kay AdikNaJulielmo! Salamat sa pagiging pang 25th na comment! Haha =)) Thank you mwa :*

 

---

I have my monthly check up today, and isang linggo nang nakakaraan nung makalabas ako ng hospital. 5 months na kong buntis. Ang bilis no? 4 months na lang at magkakababy na kami. Sana by that time, matanggap na kami ni Elmo.

Sasamahan sana ako ni manang na magpacheck up pero masama pakiramdam niya, so I insist na ako na lang magisa. Magtataxi na lang ako. Si Elmo? Ewan ko dun. Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Wala akong alam. Naalala ko tuloy last week nung biglang dumalaw si mama ng walang pasabi. Sobrang nagpanic ako nung magtanong siya kung nasaan si Elmo, mabuti na lang nakaisip agad ng alibi si manang.

30 minutes na kong naghihintay dito pero wala pang taxi. Gusto ko sanang mag jeep kaso hindi ko alam kung paano since taxi ang lagi kong sinasakyan tuwing magchecheck up ako. Bus na lang kaya? Nabanggit ata ni manang last time na isang sakay lang din pag mag bus ako. Jeep kasi 3 sakay pa. Yun nga lang pag bus sa kabilang kanto pa ung sakayan. Maglalakad na lang ako para magbus sa kabilang kanto.

15 minutes na kong naglalakad and napagod na agad ako. Bakit wala akong makitang waiting shed? Sabi ni manang sa may waiting shed daw ung bus stop. Pero wala akong makitang waiting shed. Naliligaw ba ako?

*Beeeeep!

Nagulat ako sa nagbusina. Walang hiya to ah, nasa sidewalk naman ako ah? Lumingon ako and nakita kong nagstop ung kotse niyang Ford sa tabi ko. At may biglang lumabas mula sa driver’s seat.

Nagulat ako, pero more on napangiti.

“Hey” Bati niya.

“Hi.” Bati ko pabalik. Awkward ng greetings namin..

“So, saan ka papunta?”

“Ah, sa hospital. Magpapacheck up lang. Ikaw?”

“Sa office. Wait, hospital? E nasa kabilang side ung hospital na malapit dito eh.” Turo nya sa kabila. Shet kaya pala wala akong makitang waiting shed. Kabilang kanto pala yun. Ughh

Ngumiti ako, ung ngiting awkward na medyo napahiya, “Ah. Ganun ba? Uhm, sabi ko nga eh.”

“Alam mo, hatid na lang kita.”

Umiling agad ako, “Nako hindi na! Magkaiba tayo ng way eh, baka malate ka pa sa trabaho mo.”

“No it’s okay. Tatawagan ko na lang ung secretary ko.”

“Wow. Sossy. May secretary.” Biro ko sakanya.

“So ano, tara?”

“Uhm. Sure ka ba, Alden? Kasi kaya ko naman talaga eh.”

Lumapit siya saakin at inalalayan ako papunta sa kotse niya, pinagbuksan ako ng pinto at pinapasok ako. Ako naman pumasok. First time kasing may gumawa ng ganyan saakin. I mean ung masyadong gentleman. You know.

Nginitian ko na lang siya nung pagpasok niya ng kotse niya. Inayos ko muna ung seatbelt ko then nag drive na siya.

“So monthly check up mo?”

Tumango ako, “Yup!”

“How’s your health?”

Tumango tango lang ako, “Okay lang naman siya. Thanks nga pala ah, hindi ako nakapagthank you sayo last time. You know what? Feeling ko ikaw ung knight in the shining armor ko. I mean you know, first ung sa unit. Then here. Thank you talaga.”

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon