Chapter 41

3.7K 73 17
                                    

<Julie’s POV>

Nagising ako sa tunog na galing sa kitchen. Pero ang sakit ng ulo ko kaya nahirapan ako sa pagbangon, pakiramdam ko parang umiikot ung mundo ko.

Bigla kong napansin na parang may mali. I’m wrapped in my own blanket, pero parang may mali. Napatingin ako sa suot kong damit, naka loose shirt ako. Fck! Hindi ito ung suot ko kagabi ah? Fck fck. Dahan dahan kong iniangat ung blanket ko and iba na rin ung pants ko, naka pajamas na ko! Fck! Oo, akin tong suot ko pero sinong nagpalit saakin?

Pero kakaiba ung amoy na galing sa kitchen eh, mukhang masarap ung niluluto. Pero isa pang fck! Sino naman ung naglulutong yun? Sinong naghatid saakin dito sa condo ko? Shit!

Tumayo ako at dahan dahan nalumabas ng room ko papunta sa kitchen. And there he is.. Wait, is this…

“Elmo?”

Bigla siyang lumingon at ngumiti.

“Gising ka na pala. Wait, give me a minute, tapos na ko.”

Na-divert ung attention ko sa dining table ko, and may mga nakahandang garlic rice, hotdog and fruit juice na dun. Bumalik ulit ako sakanya, and gusto kong matawa kasi kahit na nakatalikod siya saakin, alam kong nakasuot siya ng apron habang nagluluto. Mukha siyang professional kasi sobrang focused siya sa pagluluto.

Hindi ko na lang namalayan na tapos na siyang magluto and isinama na rin niya ung huli niyang niluto na omelette sa mesa. Sinenyasan niya ko na maupo sa tapat niya, which I did.

Nilagyan niya ng garlic rice ung pinggan ko.

“Eat.”

Pero hindi ako makagalaw. Don’t tell me siya ang naghatid saakin dito sa condo ko? Don’t tell me siya ang nagpalit ng damit ko?

Tinignan ko lang siya at naghihintay ako ng explanation from him pero wala, mas inuna pa niyang kumain.

“Paano mo ko nahanap kagabi?”

“You called.”

Me? Aba! Ang kapal ni—Oh shet. Ako nga.

“So ikaw ang naghatid saakin pauwi?”

“Yes. Nagtanong na lang ako sa guard kung nasaan ung unit mo and mabuti na lang at nasa purse mo lang ung susi.”

“Dito ka natulog?”

Umiling siya, “Nope. Bumalik lang ulit ako kanina.”

“So, ikaw ang may gawa nito?”

“Yeah, eto lang kaya kong gawin since walang masyadong laman refrigerator mo.”

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon