Dale's POV
Ako si Dale Smith, 25 years old. Isang simpleng babae, masiyahin, hindi maarte at walang luho sa katawan.
Galit ako sa taong manloloko.
Iniwan ako ng mga magulang ko kay Lola Betty noong limang taong gulang pa lang ako, hindi ko na sila hinanap dahil wala namang rason para hanapin sila. Hindi ko na sila kailangan, masaya na akong kasama si Lola Betty.
"Dale papasok ka na ba?" Tanong ni Lola, matanda na ito at makakalimutin na rin.
Palagi siyang nagdadrama kapag kasama ako, ayaw niyang iniiwan ko siya dahil namimiss niya daw ako. Ang sweet diba?
"Opo, kailangan kong magtrabaho para satin. Andiyan naman po si Jen, babantayan niya kayo." Si jen ang kapitbahay namin na nagbabantay kay Lola tuwing papasok ako sa trabaho.
"Ehhh Gusto ko ikaw ang magbantay sakin." Nakangusong sabi niya.
Hay naku! Ito na naman po tayo, matagal-tagal na pakiusapan na naman ito.
"Lola, promise babalik lang ako. Kailangan kong magtrabaho para may pambili tayo ng mga gamot at vitamins mo. Biyernes naman ngayon, bukas wala akong pasok sasamahan kita magzumba diyan sa barangay."
"Talaga? Promise yan ah."
"Promise! Cross my heart hope to---" Hinintay niya ang susunod kong salita. "Hahaha to die."
"Sige na nga! Ito may pang baon ako sayo." Kumuha ito ng biscuit sa kabinet. "Ito biscuit, wag kang magpapagutom at kumain ka sa tamang oras ha."
"Yes po Lola. Love you." Hinalikan ko ang pisngi niya. "Aalis na po ako. Jen ikaw na ang bahala kay lola ha." Tumango naman si Jen.
'Maaasahan talaga ang batang ito pagdating kay Lola.'
Humanap ako ng taxi na masasakyan papunta sa opisina.
Isa akong secretary sa kumpanya na pinapasukan ko, malaki naman ang sahod at week days lang ang pasok. Oh diba san ka pa?
Gusto ko sanang magleave ngayon para mapacheck up ko si Lola ngunit may bisita daw sa kumpanya, isa daw ito sa apo ng may-ari at bilang secretary ako ang dapat magasikaso nito.
"Manong dito na lang po. Ito po ang bayad." Inabot ko ang bayad sa matandang driver.
"Ma'am sobra po ito."
"Okay lang po Manong, dinagdagan ko talaga. Salamat."
"Ay, ganun po ba? Maraming salamat po." Tumango ako sa driver.
Ewan ko kung bakit ako malapit sa matatanda, iniisip ko kasi na dadating ang panahon na magiging kagaya rin nila ako at mararamdaman ko rin ang nararamdaman nila.
----------
Pumasok ako sa entrance. "Goodmorning po Ma'am." Bati ng Guard.
"Goodmorning din po Manong Pedring." Nakangiting bati ko.
May pila ang elevator ng mga empleyado, may sarili kasing elevator ang may-ari ng company na si Madam. Sabi niya sakin pwede ko naman itong gamitin paakyat para hindi na ako mahirapan sa pagpila pero nahihiya kasi ako kaya pumipila parin ako.
Habang nakapila may lalaking biglang sumingit.
"Sir baka po gusto niyong pumila." Sabi ko, kawawa naman kasi ang mga nakapila. Sigurado akong pare-parehas lang kaming nagmamadali.
BINABASA MO ANG
The Mistress Love Story (Completed)
RandomTHE MISTRESS LOVE STORY "Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako. Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal. "Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, n...