"Hikbi"
tulang isinulat ni Kyeriella
Enero 12, 2017Heto na naman tayo sa isang madramang panimula ng panibagong yugto
Sa buhay pag-ibig ko na mas malabo pa sa tubig na hinaluan ng sabon
Sa isang tulad mo, tulad mong g*go
Oo, ikaw na naman
Kailan ba naging hindi ikaw ang topiko sa aking mga tula?
Kay kapal na nga ng 'yong mukha na kausapin pa ako,
Sa t'wing nangangailangan ka ng payo
P*ny*ta mahal, napaka-g*go moHeto nga't kamuntik ko ng maibato ang hawak kong cellphone
No'ng una ay dahil sa kilig
Kinilig kasi ako nang mag-chat ka
Ang sabi mo 'Hi',
Syempre ako naman si t*nga
Sumagot ng 'Hello'
Abot-tenga pa ang ngiti ng g*ga
Nagka-mustahan, nagka-asaran
Alam mo 'yon, parang sa teleserye lang
Pero sa bawat teleserye ay may lumuluhang karakter
Kaya 'di naglaon ay gusto ko nang iumpog ang ulo ko sa pader
At sumigaw ng "Ang t*nga-t*nga mo talaga! Bakit kasi kinausap mo pa?!"Pero wala na, tapos na kasi pinansin na kita
Na halos ilang linggo ko rin pinag-planuhang gawin
Baka sakali kasing magparamdam ka na naman
Gaya nitong kakasabi ko lang
Ang kilig ko'y kaagad napalitan ng inis
Nainis kasi ako bigla sa'yo, sa mga tinuran mo
Oo nga't gusto kita at alam kong alam mo
Pero kailangan ba na paabutin mo na naman sa puntong paaasahin mo ako?
May pa-rega-regalo ka pang nalalaman
May pa-send-send ka pa ng quotes
Pero ano'ng makikita ko sa bawat mong post?
Ang ending, siya pa rin ang 'yong pinahihiwatigan
Kahit alam mo sa sarili mong wala na siyang pakialamNatawa ako, natawa ako sa sarili ko
Natawa ako sa mga tinuran ko sa'yo tungkol sa kaniya
Pareho nga pala tayong dalawa
Pero iba pa rin ako sa'yo
Kasi kahit itong t*nga na 'to ay palaging pinipili ang isang tulad mong g*go
Hindi maaatim ng konsensya ko na mag-paasa ng iba
Para lang kahit papa'no ay sumaya
Matapos ka niyang paluhain, saktan
Dahil kayo ang mas walang pinag-kaibaNapatulala, napag-isip na naman muli
Hanggang sa makarinig ng isang hikbi
Inakala ko pang may nagmamasid
Ngunit sa aking pag-pikit, doon ko naramdaman ang sakit
Sakit na sa dibdib ay palagi lamang ikinukubli
Sa likod ng aking mga ngiti, at ang pagpapanggap na wala akong pakialam
Mahal, daig mo pa ang isang kriminal
Na paulit-ulit pinapatay ang puso kong walang kalaban-labanSa mahinang hikbi nagsimula
Hanggang sa lumalim, hanggang sa hindi na ako maka-hinga
Ngunit nakapagtataka dahil walang mga luha
Mga luha na dapat ay umaagos na mula sa dapat ay namumugtong mga mata
Nagawa ko pang tumawa nang mahina
Sa kabila ng mga hikbi
Sa isip ko'y sumasagi, marahil ay ubos na ang mga luha ko
Sa kaiiyak dahil sa'yo
O 'di kaya'y pagod na mismo ang mga mata ko
Pagod na pagod na rin akoKaya't pag-hikbi na lang ang aking nagawa
Maging habang isinusulat ang panibago kong tula
Tula na maaari mo namang mabasa
Ngunit hindi ko alam kung iyo bang pag-aaksayahan pa ng oras
Dahil mayroong 'siya' sa buhay mo
At habang humihikbi ako rito, ay tumatawa ka sa mundong mayroon lamang 'kayo'
Walang 'ako', walang 'tayo'
Ako at ang pag-hikbi ko lamang
Na sa kabila ng katahimikan sa kalaliman ng gabi
Ay hindi mo maririnig ang aking pag-hikbi