Sino Ba Ako Sa'yo?

847 29 11
                                    

"Sino Ba Ako Sa'yo?"
tulang isinulat ni Kyeriella
Abril 21, 2017

Hindi ko na alam kung sa'n pa ako lulugar
Sa buhay mo, sa buhay niyo.
Kailan nga ba ako nagkaroon ng halaga sa'yo?
Mahal mo siya, mahal ka niya
Pero tapos na ang kwento niyong dalawa.
Kaya bakit heto pa rin ako't nag-iisa?
Umaasa.

Tapos na kayo
Pero bakit kay hirap humanap ng puwang diyan sa puso mo?
Sino ba ako sa'yo?
Isang kaibigan na mahirap mahalin.
Isang kaibigan na hinding-hindi mo pipiliin.
Kung sakaling dalawa kaming kailangan mong sagipin...
Wala na.
Walang pagdadalawang-isip na siya ang pipiliin mo.
Siya na hanggang ngayon ay mahal mo
Kahit na tapos na ang kwento niyo.

Nasaan ako?
Sino ba ako sa'yo?
Wala.
Isang estranghero.
Taga-hanga.

Pero mahal pa rin kita
Kahit mahirap magparaya.
Mahal kita
Kaya sana'y maging masaya ka na.

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon