Ika-29 ng Disyembre
Taong 2017
12:38amSiguro kung ako'y tatanungin,
Kung may nakapagpa-iyak na ba sa'kin
Na parang mauubusan ako ng hangin,
Na parang kamatayan na lang ang tanging dalangin,
Na parang ang puso ko ay dinudurog hanggang sa maging kasing-pino ng buhangin.Ikaw... Ikaw lang ang maisasagot ko.
Bakit may mga bagay na nais ipaglaban pero hindi kayang panindigan?
Bakit may mga pusong nagmamahal pa rin kahit na sugatan?
Bakit hindi na tayo kayang isalba pa ng pagmamahal?
Bakit kailangan na ang mga bagay, kahit pa damdamin ay may hangganan?Mga luhang pumapatak kasabay ng bawat salitang itinitipa,
Mga hikbing kay hirap man pigilin, Nauubusan na ng hangin
Patuloy pa rin.
Bakit hindi? Tanong ko sa sarili
Bakit hindi? Tanong sa tadhana
Pero hindi na itatanong sa'yo
Dahil nakasaad na sa tulang 'yon ang sagot mo.Hindi kita kayang tiisin,
Hindi kita kailanman kayang kalimutan
Dahil ikaw 'yung una kong minahal at gusto kong maging huli
Kahit na alam ko sa sarili na malayong mangyari
Ilang beses ikinubli
Sa kunwaring galit at pagtatampo pero ikaw lang din ang dahilan
ng pag-ngiti ko.Hindi ko na alam maski ang susunod na mga sasabihin sa tulang ito, mahal
Hindi ko mapigilan ang sakit na gustong kumawala
Bakit napaka-lupit sa'tin ng tadhana?
Himala na hindi pa ako nalalagutan ng hininga
Hindi na ako makahinga
Ayokong sabihin na "tama na".Dahil gusto ko
Ginusto ko at gugustuhin ko
Na ikaw pa rinAt tapusin ko man itong tula,
Tuldukan ko man ang pinakahuling salita,
Patuloy pa rin kitang mamahalin
Kahit malinaw na sa'kin
Na hindi mo ako kayang mahalin.