Ika-16 ng Disyembre
Taong 2017Turuan ang pusong maging matigas,
Itago ang mga damdaming gustong makawala.
Igapos ang sariling mga kamay,
Pahiran ang mga matang lunod sa mga luha.
Dugong dumadaloy sa 'king mga ugat
Dumadaloy na ngayon mula sa mga sugat.
Manhid na simula pa man,
Walang sarap o sakit na nararamdaman.
Mga nakabibinging sigaw sa 'king paligid,
Mga taong sa gilid ng bangin ako'y tinatabig.
Isang paraan lang, isang kasagutan
Sa tanong na "Pipilitin pa bang mabuhay o susuko na sa laban?"
Kailan ba matatapos ang lahat?
Ang lahat ba talaga ng ito ay may katapusan?
O paulit-ulit sa 'kin ay ipararanas
Ang walang saysay na pagpapahirap?Pakiusap, tama na
Pagod na akong maki-ayon sa tadhana.
Hihinto na ako sa paghinga,
Ipipikit ang mga mata.
Sa wakas...Sa wakas ako ay malaya na.
