Kung Pwede Lang

680 23 0
                                    

"Kung Pwede Lang"
tulang isinulat ni Kyeriella
Hulyo 17, 2017

Kung pwede lang, mawalang bigla na parang bula.
Kung pwede lang, wala ng bukas o kahapon pa.
Kung pwede lang, tapusin ang lungkot o maski ang saya.
Kung pwede lang...
Kung pwede lang, ayoko na.

Kung pwede lang, sa pagpikit ay hindi na mag-mumulat pa.
Kung pwede lang, sa dugong aagos ako'y lalaya na.
Kung pwede lang, gano'n kadali ang pagtakas na gagawin.
Kung pwede lang...
Kung pwede lang maging sakim.

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon