"Tatlong Salita"
tulang isinulat ni Kyeriella
Agosto 29, 2017Tatlong salita
Para sa taong ang iisipin ay ang ingles ng "mahal kita".
Tatlong salita
Na makapagbabalik sa taong lumayo na.
Tatlong salita
Na ang idudulot ay lungkot o saya.
Tatlong salita
Na sa dulo ng tula na 'to mo lang mababasa.Magkatunog man ang mga salitang "malaya" at "masaya",
Tunay ba na malaya ka na 'pag ikaw ay sumaya?
O masasabi mo ba na masaya ka kasi lumaya ka na?Kay daya nga ba ng tadhana sa'yo?
O pinipilit mo lang itong sumang-ayon sa'yo?
Nasaktan ka lang minsan sa buhay mo
Ay pakiramdaman mo na agad na pinagkakaisahan ka ng mundo.Sa kabila ng lahat ng 'yong ibinigay,
Sa kabila ng pagmamahal na walang kapantay.
May taong hindi ka talaga mamahalin pabalik,
May taong iiwan ka sa ere't hindi na babalik.Walang bahid ng pagsisisi ka niyang iiwan,
Ni katiting na pagmahahal sa'yo ay walang nakalaan.
Hindi mo siya magawang kalimutan,
Kahit paulit-ulit ka lamang niyang sinasaktan.Luha ang kapalit, bawat gabi ay tumatangis.
Sa pusong buo pa naman, ngunit bakit masakit sa dibdib?
Paniniwalain ang sarili na baka hindi pa ito ang tamang panahon,
Hanggang sa lumalim, nalunod sa sariling pagkahulog.Kaya kailangan ng wakasan ang kahibangang sinimulan.
Kailangan ng kalimutan ang taong pinag-alayan ng pagmamahal.Tatlong salita
Mahal, ayoko na.
![](https://img.wattpad.com/cover/96141838-288-k665979.jpg)