Minsan, Madalas, Siguro

719 19 4
                                    

"Minsan, Madalas, Siguro"
tulang isinulat ni Kyeriella
Hulyo 30, 2017

May mga bagay na hindi talaga nakasanayan,
May mga bagay na hanggang doon na lamang.
May mga bagay na mahirap nang ibalik sa dati,
May mga bagay na hinihintay natin na dumating palagi.

Minsan, hindi 'yung gusto ang nakukuha.
Madalas, ang hinahanap natin ay 'yung wala na.
Siguro, ang hirap lang para sa atin ang makuntento.
Kaya naman, pakiramdam natin ay palagi tayong talo.

May mga bagay na kusa na lang naglalaho,
O 'di kaya'y dahil mas nauuna kasi tayong sumuko.
May mga bagay na sa iba na lang palagi napupunta,
O 'di kaya'y dahil hindi pa naman 'yon ang sa atin ay nakatadhana.

Minsan, ang kulang sa'tin ay ang konti pang paghihintay.
Madalas, binibitawan na lang natin ang ibang bagay.
Siguro, pinaglalaruan lang talaga tayo ng tadhana.
Kaya naman, paulit-ulit nating sambit ang "sana" at "ayoko na".

May mga bagay na hindi mo pwedeng ipagpilitan,
Lalo na kung alam mong panandalian lamang.
May mga bagay na paulit-ulit mong hihilingin sa mga bituin at buwan,
Hanggang sa dumating 'yung araw na titigil ka kasi nasasaktan ka lang naman.

A/N:
Yie. May naka-miss ng pagsusulat ko dito e. Oh ito na po :) Kakasulat ko lang ngayon.

Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa! Ily! :*

- Kyeriella❤

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon