Huwag Na Lang

2.3K 61 8
                                    

"Huwag Na Lang"
tulang isinulat ni Kyeriella
Enero 20, 2017

Nag-simula ka na namang kausapin ako
Sinira ko na naman ang pangako ko sa sarili ko
Na hindi na kita iisipin, papansinin, o kakausapin
Pero ang hirap, mahal
Para ko kasing inuutusan ang puso ko na huwag ng tumibok
Gasgas na nga ang palusot kong napuwing lang ako ng alikabok
Kaya may luha, may luha na namang nagbabadyang tumulo
Mula sa mga mata kong hindi na maka-aninag dahil namumugto

Isang tanong
Isang tanong na paulit-ulit mong inaalam ang sagot mula sa'kin
Na kung ako nga bang talaga ay may pagtingin
T*ng*na nakakasakit ka na ng damdamin, mahal
Ilang beses ko na bang ipinahalata't ipinamukha
Kahit na mag-mukha pa akong tanga sa iba
Oo, simpleng "oo" lang ang sagot ko sa'yo
Ngunit tila ba para sa'yo ay isa na naman 'tong biro

Mukha ba akong nag-bibiro nang sabihin kong "mahal kita"?
Mukha bang trip ko lang ang iparamdam sa'yo na importante ka?
Mukha ba akong nag-eenjoy sa pagiging dakilang tanga?
Siguro, oo
Kasi 'yon ang dating sa'yo

Pero may pakiusap lang sana ako
Sa susunod
Sa susunod, pwede bang huwag ka na lang magtanong?
Pwede bang huwag mo na lang ako tanungin?
Kung hindi ka rin naman maniniwala sa'kin

Huwag ka na lang magtanong, mahal
Nakaka-insulto kasi
Magtatanong ka na rin lang, 'yon pang obvious
Magtatanong ka na rin lang, 'yon pang alam kong alam mo naman
Huwag mo na lang ako tanungin sa susunod
Lalong huwag mo na lang ako tanungin kung hindi ka rin naman maniniwala sa sagot ko
Huwag na lang

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon