"Alam Ko"
tulang isinulat ni Kyeriella
Enero 24, 2017Alam ko
Alam kong wala pa rin akong puwang diyan sa puso mo
Alam kong kahit paminsan ay napapa-ngiti kita, siya pa rin ang dahilan mo para sumaya
Alam kong sa bawat segundo, minuto, oras, at araw na hinahayaan lamang kita sa kaniya
Ay mas inilalayo ko ang sarili ko sa pagkakataong pwede pang maging tayo
Alam ko
Oo, alam ko
Alam kong naghahanap lang ako ng paraan para alisin ang unang dalawang letra sa salitang "imposible"
Kahit na alam ko rin na malabo 'yong mangyari
Alam ko
Alam ko pero patuloy pa rin akong umaasa
Minsa'y idinadahilan ko na lang na ikaw talaga ay paasa
Alam ko
Alam kong madalas ako ang nagsisimula ng away sa'ting dalawa
Alam ko rin na bago matapos ang araw ay sa kaniya ka na naman pupunta
Alam ko
Kaya nga masakit kasi alam ko
Alam kong talo na, matagal na
Dapat noon pa ay tumigil na ako
Alam kong ka-tangahan
Alam kong walang patutunguhan
Alam kong malapit na akong sumuko
Pero sa ngayon ay lalaban pa rin ako para sa'yo, sa'tin
Huwag kang mag-alala, mahal
Alam ko ang aking ginagawa
Hinahayaan naman kitang maging masaya sa kaniya
Kaya hayaan mo akong maging masaya sa'yo
![](https://img.wattpad.com/cover/96141838-288-k665979.jpg)