Ika-14

1.1K 33 1
                                    

"Ika-14"
tulang isinulat ni Kyeriella
Pebrero 14, 2017

Kung tungkol na naman ba 'to sa'yo,
Isa lang ang masasabi ko:
Oo.
Oo, ikaw na naman.
Mukhang ikaw na nga yata ang araw ko't ang buwan.
Mali man na sa'yo umikot ang mundo kong gulong-gulo,
Wala na. Ito na e.
Hindi na ako makakaatras kasi kailangan kong habulin ang bawat mong abante.
Hahakbang ka palayo,
Hahakbang ako palapit.
Pero bakit gano'n, mahal?
Isang hakbang pa lang ang nagagawa mo,
Pero bakit kailangan ko pang tumakbo para lang marating ang pwesto mo?
Bakit ang lapit-lapit mo pero ang layo-layo ko mula sa'yo?
Pebrero na, taong dalawang libo't labing-pito; ika-labing apat.
Dumating na naman nga ang Araw ng mga Puso,
Pero bakit heto ako't ang mukha'y pang-Biyernes Santo?
Masaya naman ako kanina.
Masaya ako kasi kasama ko ang aking ama't ina.
Masaya ako kasi kumpleto ang aking pamilya.
Pero bakit 'yung isip at puso ko ngayon, ang itinatakbo ay milya-milya na?

Sa'yo na naman siguro patutungo.
Sa'yo na naman siguro magpapasira.
At babalik sa'kin ang puso ko,
Babalik ang isip ko sa realidad na kung saan wala ka talaga.
Nandito ka, nag-eexist.
Pero bakit daig mo pa ang fictional character?
Mas totoo ka pero ano't hindi ka mapa-sa'kin?
Huhugot ako kasi masakit.
Huhugutan ko ang araw na 'to kasi oo, bitter ako.
Bitter ako kasi paniguradong masaya ka,
Tapos ako dito nag-ddrama.
Bitter ako kasi p*t*ng*na, bakit pa kita nakilala?

Kalokohan lang naman ako para sa'yo.
Bilang ang mga pagkakataong kinakausap mo ako nang seryoso.
Alam mo kung ano ang mas nakakatawa at ang mas masakit?
'Yong seryoso mo akong kakausapin kasi may problema ka... kayong dalawa.
'Yong seryoso mo akong pagsasabihan kasi ipagpipilitan mong hindi tayong dalawa.
Do'n ka lang nagiging seryoso.
Kaya malabo talagang mahalin mo rin ako.

Wala naman talagang saysay 'tong mga patula-tula ko.
Puro rin naman kasi ikaw ang topiko.
Sawang-sawa na nga ang mga mambabasa ng librong 'to panigurado.
Habang ako naman ay masisiraan na talaga ng ulo kaiisip sa'yo.
Kaya bahala na.
Bahala ka na.
Ika-14 man o hindi, ayaw na kitang makita.
Tadhana na lang,
Si tadhanang epal na lang ang bahala sa'ting dalawa.
Kung tayo, edi tayo.
Kung hindi, edi hindi.

A/N:
Happy Hearts' Day sa inyo!

Jusq hayaan niyo na akong mag-drama. Palagi naman akong ganito XD Tsaka HIKBI naman ang title nito kaya okay lang XD Siya ang sisihin niyo. Sinasaktan niya ang puso ko e (charr mag-sumbong daw ba XD)

Spread love love love! ❤ Batiin niyo na lang ako para hindi na ako mag-drama today XD

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon