Ikaw 'Yung Sana Na Hindi Ko Na Gustong Matupad

846 21 1
                                    

"Ikaw 'Yung Sana Na Hindi Ko Na Gustong Matupad"
tulang isinulat ni Kyeriella
Hunyo 30, 2017

Alam mo, mahal
Ikaw 'yung "sana" na hindi ko na gustong matupad.
Ikaw 'yung wish bago ko ihipan ang kandila sa birthday cake,
Habang nakapikit, aking sinambit
Pangalan mo... Tayo.

Pero akala ko kaya tayo humihiling sa mismong araw ng ating kaarawan
Ay para sana mapakinggan,
Mapagbigyan
Gawa ng 'yon ang espesyal nating araw.
Akala ko lang pala.

Kasi bakit 'yung hiling ko na sana
Sana kahit ikaw na lang
Bakit hanggang ngayon hindi pa rin natutupad?
Siguro hanggang "sana" ka na lang talaga.
Hanggang "sana" na lang tayo.
Kaya hindi ko na rin ipipilit,
Hindi na ako uulit.

Hindi na ikaw 'yung "sana" na nais kong matupad.
Hindi na ikaw 'yung gusto kong makasama balang araw.
Hindi na ikaw 'yung gusto kong maka-hawak-kamay habang naglalakad sa dalampasigan,
Habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.
Hindi na ikaw...

Hahayaan ko na lang na tangayin ng hangin,
Lumain ng panahon
Ang munti kong hiling na 'yon noon.
Ikaw na dati 'y aking "sana".
Dati...
Hindi na ngayon.

Dahil ikaw 'yung "sana" na hindi ko na gustong matupad.

Hindi na ikaw...

Sana...
Sana...

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon