Magmahal

721 29 7
                                    

"Magmahal"
tulang isinulat ni Kyeriella
Mayo 2, 2017

Masarap daw ang magmahal.
Masarap daw ang sumugal.
Pero paano kung palaging talo?
Paano kung wala namang naghihintay sa'yo sa dulo?
Lalaban ka pa ba?
O susuko ka na lang basta?

"Magmahal ka ng taong hindi ka sasaktan"
"Magmahal ka ng taong hindi ka iiwan"
"Mahalin mo 'yung handa kang ipaglaban"
"Mahalin mo pero 'wag lubusan"

Hindi ka tunay na nagmamahal kung hindi mo nararanasang masaktan.
Hindi lahat ng tao sa buhay mo ay mananatiling nariyan.
Hindi lahat sila ay kaya kang ipaglaban hanggang sa huli.
Hindi mo maiiwasang magmahal nang walang itinitira para sa sarili.

Pwede kang magmahal nang kahit sino.
Pwede kang magmahal kahit hanggang tanaw lang sa malayo.
Pwede kang magmahal kahit hindi ka mahal ng mahal mo.
Dahil hindi lahat ng ibinigay, kailangang maibalik din sa'yo.

Kung magmamahal ka, dapat ay handa kang masaktan.
Dapat ay handa kang matalo sa laban.
Magmahal ka...
Magmahal ka lang.
Magmahal ka nang walang pag-aalinlangan.

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon