Pinili Kita Para Mahalin, Pinili Mo Ako Para Saktan

728 19 0
                                    

"Pinili Kita Para Mahalin,
Pinili Mo Ako Para Saktan"
tulang isinulat ni Kyeriella
Oktubre 1, 2017

Pinili kita.
Sa umpisa pa lang, pinili na kita.
Pinili kita kasi alam kong mahal kita.
Pinili kita kasi akala ko hindi mo ako sasaktan,
Kasi nga hanggang pang-malayuan lang
At ako lang naman ang sumugal sa larong ako lang din ang may alam.
Pero bakit gano'n?
Pinili kita para mahalin,
Pero pinili mo ako para saktan.

Pinili kong isantabi,
Pinili ko rin ipagtapat sa huli.
Pinili kong ipagsawalang-bahala,
Pinili ko rin magparaya.

Ang daming hadlang na nagsasabing huwag ikaw.
Ang daming pahiwatig na nagsasabing itigil ko na raw.
Pero mas pinili ko na pakinggan ang puso
Kaysa sa nakikita ng mata, naririnig sa iba, at naiisip ko.

"Hanggang kailan?" tanong ko sa sarili.
Hanggang kailan ko kayang ikaw ang piliin hanggang sa huli?
Mas pinili pa kita kaysa sa sarili ko,
Ang sabi ko na lang "Mahal naman kita e, kaya ayos lang na masaktan ako"

Pinili kita,
Pinili mo siya.
Pinili mo rin naman ako,
Pero 'di nga lang gaya ng pagpili ko sa'yo.

Pinili kita para mahalin,
Pinili kita, ikaw at ikaw pa rin.
Pinili kita, 'di man sila sumang-ayon sa'tin,
Pinili kita pero lahat pala 'to ay may hangganan din.

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon