Alak

653 19 1
                                    

"Alak"
tulang isinulat ni Kyeriella
Setyembre 14, 2017

Mas masakit pala na makita nang harapan na may kasama kang iba.
Mas masakit pala na malaman kung gaano na ako ka-tanga.
Mas masakit pala na 'di ka man lang matignan sa mata.
Mas masakit pala na harap-harapan kong mapagtanto na kahit kailan hindi ako magkakaroon ng puwang diyan sa puso mo.

Parang alak na sa umpisa'y masarap, nakapang-aakit ang lasa
Sinasabing isa pa, hanggang sa maging dalawa
Hanggang sa 'di mo na mabilang kung nakapang-ilan ka na.
Sa una'y ayos lang, unti-unting nagugustuhan
Bago sa pakiramdam, hanggang sa tamaan ka na lang.

Isang tagay para sa katotohanang ako lang ang umaasa.
Isang tagay para sa napakamapag-birong tadhana.
Isang tagay para sa puso kong walang ibang sigaw kundi pangalan mo lang.
Isang tagay para sa dating ako at ikaw.

Sinabi ko sa sarili na kapag ikaw ay nakita, lalapitan ka't kakamustahin.
Isasantabi ang tampo at galit ay palalagpasin.
Ngunit sa 'di inaasahang pagkukrus muli ng ating landas
Para akong sundalo sa laban na bigla na lang umatras.

Imbes ngiti ang ihandog, ako'y nag-iwas ng tingin.
Habang ikaw at siya'y nilagpasan ako na parang hangin.
Kahit mahirap ay pinilit kong isantabi ang sakit,
Pinilit kong maging manhid.
Dahil masyado na akong nasaktan noon pa man para ang ganitong eksena ay akin pang iyakan.

Sa unti-unting pagdaloy ng alak sa aking lalamunan at sa aking sistema,
Kapalit ng sakit na ilang beses ko ng nadama.
Mas pinili kong magpakasaya habang alam kong nagpapakasaya ka sa iba.

Salamat sa alak na naging kasangga
Sa mga kaibigan na patuloy ang pagpapaalala.
Hindi ka man makuha ng puso ko,
Alam kong sa kanila pa lang, panalo na ako.

Asahan mong ika'y hindi ko na guguluhin pa,
Huling beses ko na rin sasabihin na mahal pa rin kita.
Huling beses na ikaw ang dahilan ng alak sa aking sistema,
Mula ngayon, sarili ko'y pinapalaya ko na.

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon