Ika-3 ng Mayo
Taong 2018
12:43am(Ang tulang ito ay ang pagpapatuloy at wakas ng "Sa Pagkakataong Ito")
Anim na buwan makalipas, ang pagkakataong 'yon ay siyang huling pagkakataon na pala.
Pagkakataong hindi na masusundan pa.
Dahil ngayon, mas pinili ko na ang sarili ang bigyan ng pagkakataong makalimot,
Iwanan ang pagkakataong sa'kin ay kaniyang ipinagdamot.
Salamat.
Sa pagkakataong ito ay hindi ako bumitaw dahil sa pagod o dahil ayoko na.
Hindi ako sumuko sa kadahilanang wala naman akong dapat ipaglaban pa.
Bumitaw ako dahil napagtanto ko kung gaano karupok ang aking kinakapitan.
Na dapat ang lugar kung saan nagsimula ang lahat ay noon ko pa nilisan.
Pero ngayon, sa pagkakataong ito ay tapos na ang kwento ko tungkol sa'yo.
Isinara ko na ang libro.
Salamat sa nabuong kwento
Ng babaeng minsang nagmahal sa'yo.–wakas–
![](https://img.wattpad.com/cover/96141838-288-k665979.jpg)