Tapos Na

1.5K 55 4
                                    

"Tapos Na"
tulang isinulat ni Kyeriella
Pebrero 1, 2017

Ngayon ko lang napagtanto
Na hindi lahat ng nasisimulan ay natatapos
At hindi lahat ng tapos na ay nasimulan
Dahil ang meron tayo, ang akala kong meron tayo
Ay wala lang pala para sa'yo
Umasa ako e, oo umasa ako sa'tin
Umasa ako sa taong hindi naman magiging akin
Umasa ako sa'yo
Umasa akong handa ka nang magsimula ng panibago
Pero hindi pala
Hindi pa pala
Hindi pa pala ako sapat
Ano ba'ng dapat?
Pero wala na e
Wala na akong magagawa
Wala na kasi tapos na
Tinapos mo na kahit wala pa tayong nasisimulan
Tinapos mo na ang isang bagay na dapat walang hangganan
Tapos na.
Tinuldukan mo na ang pangungusap na para sa'kin ay hindi pa nabubuo
Tinapos mo na ang pangungusap kung saan ikaw ang simuno ko
Tapos na.
Hindi na madudugtungan
Ni wala pa nga palang nasisimulan
Pero tapos na
Gano'n kadali
Gano'n kabilis
Gano'n kasakit
Tapos na.

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon