Masaya

732 21 5
                                    

"Masaya"
tulang isinulat ni Kyeriella
Hunyo 12, 2017

Paano nga ba maging masaya?
Hanggang sa mga pilit na ngiti na lamang ba?
Hanggang sa mga ngiting hindi naman umaabot sa mga mata?

Ikaw, masaya ka ba?
Siya ba, masaya siya?

Masaya ka ba na ipinagpipilitan ang isang bagay na ayon sa'yo ay hindi na pwede?
Masaya ka ba na paulit-ulit sinasaktan ang 'yong sarili?
Masaya ka ba na piliin ang taong hindi na mapapasa'yo
Kaysa ang pahalagahan ang taong nasasaktan para sa'yo?

Masaya ba siya sa hindi niya tuluyang pagpapalaya sa'yo?
Masaya ba siya na habang ikaw ay umaasa, siya naman ay kunwaring lumalayo?
Masaya ba siya na pinapaikot-ikot ka sa makasarili niyang mundo?
Masaya ba siya dahil alam niyang mahal mo pa siya at hindi mo kayang mawala siya sa'yo?

Minsan gusto kong ako na mismo ang magtanong
Minsan gusto kong sa kaniya ko na mismo malaman ang sagot
Kung talaga ba na kayo'y tapos na
O kung pinaglalaruan niyo lang akong dalawa.

Masaya kang makita na masaya siya
Kahit mula sa malayo mo lang siya napagmamasdan.
Pero hindi mo ako magawang tanungin,
Hindi mo ako magawang kumustahin,
Hindi mo man lang magawang alamin kung gaano na ba ako nasasaktan
Hindi ni minsan.

Masaya ka ba sa mga nalaman mong 'to?
Masaya ka pa rin ba na nasasaktan mo ako?
Masaya ka ba na niloloko ang sarili mo?
Masaya ka pa rin ba kahit alam mong umiiyak ako?

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon