Sabihin Mo Lang

603 16 0
                                    

"Sabihin Mo Lang"
tulang isinulat ni Kyeriella
Agosto 18, 2017

Sabihin mo lang na gusto mo rin ako,
Hahayaan ko ang sarili na ikaw lang din ang gusto.
Sabihin mo lang na ayaw mo akong mawala sa tabi mo,
Mananatali akong naririto.
Sabihin mo lang na wala ng siya sa buhay mo,
Patutunayan natin sa kanila ang tayo.
Sabihin mo lang na mahal mo rin ako,
Itutuloy ko ang laban para sa'yo.

Unti-unti na rin kasi akong nanghihina, napapagod mahal.
Kahit isang salita mo lang sana, kaya ko pang tumagal.
Pero bakit sa'kin ay nakatitig ka lamang?
Bakit mas gusto mo pang panuorin akong nahihirapan?

Sabihin mo lang, ititigil ko 'to.
Sabihin mo lang, bibitaw na ako.
Sabihin mo lang, makikinig ako.
Kahit masakit, dahil sinabi mo.

Sabihin mo lang na handa mo na akong gustuhin.
Sabihin mo lang na handa mo na akong saluhin.
Sabihin mo lang na gusto mo rin ang ideya ng tayo.
Sabihin mo lang, mahal
Mananatili ako.

HIKBI | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon