"Pwede Ba?"
tulang isinulat ni Kyeriella
Pebrero 3, 2017Hi, kamusta ka na?
Ang tagal na din pala mula no'ng huli tayong magkita.
Alam mo, miss na miss na kita.
Gustong-gusto nga kitang kausapin noon pa, pero napangungunahan ako ng kaba at hiya.
Sorry nga pala ha?
Sorry kasi sineenzone kita sa Messenger.
Sorry kasi binlock kita sa Facebook.
Sorry kasi binago ko na 'yong username ko sa Twitter.
Sorry kasi pati sa Instagram hindi mo na rin ako mahanap.
Sorry kasi nagpalit na rin ako ng number kaya hindi mo na ako ma-contact.
Sorry...Pero ngayong kaharap na kita, dito... tayo... tayong dalawa lang
Pwede bang sabihin ko na ang dahilan?
Pwede bang huwag mo muna akong simangutan?
Pwede bang makinig ka na lang muna?
Pwede ba?Ang totoo, hindi ko sinasadyang hindi ka pansinin.
Hindi ko sinasadyang i-block ka sa Facebook, o ibahin ang username ko sa Twitter at Instagram, o pati ang magpalit ng number.
Hindi ko sinasadya, hindi talaga.
O ano? Bakit ganyan ka makatingin?
Hindi ba ganyan din ang sasabihin mo kapag sinabi kong kaya ko 'yon nagawa kasi sinaktan mo ako?
"Hindi ko sinasadya"
"Hindi ko alam"
Ganyan din naman, 'di ba?
Kaya sasabihin ko na lang din na hindi ko sinasadyang iwasan ka
Gaya ng sasabihin mong hindi mo sinasadyang saktan ako.O tama naman 'di ba?
Pasalamat ka nga "seenzoned" ka lang
E ako? "Friendzoned"
Kasi "we're just friends" naman talaga according to you, 'di ba?
O, so ngayon naaalala mo na?
Naaalala mo na 'yong araw na kahit kailan hindi ko makakaligtaan.
'Yong araw na "hindi mo sinasadyang" saktan ako.
'Yong araw na nag-break kayo tapos ako 'yong sandalan mo.
T*ng*na, grounded pa ako no'n nang dahil din sa'yo
Pero isang tawag mo lang, nasa tabi mo na kaagad ako.
Iba talaga ang nagagawa ng lecheng pag-ibig.
