Ika-14 ng Disyembre
Taong 2017Kahit kailan hindi sasapat
Ang pag-ibig na inilaan para sa'yo.
Maging sa huling hininga, ang bigkas
Ay ang pangalan mo.
Ang pangalan mong hindi mabura sa isip at puso ko.
Ang puso kong ang dahilan ng pagtibok ay ang pag-ibig sa'yo.
Ang pag-ibig ko sa'yo na lumain man ng panahon ay hindi magbabago.
Mahal, hanggang pangarap na lang kita.
Hanggang sa mga panaginip na 'di ko nanaising lisanin pa.
Hanggang dito na lang.
Hanggang dito na lang talaga, tayo
Wala, walang tayo.
Hanggang dito na lang
Ikaw at ako.
