Para Sa Akin

3.7K 69 5
                                    

Naranasan mo na bang magkaroon ng crush?

Ang humanga sa isang tao. Sabi nila, malayong malayo ang love sa crush.

Eh, naranasan mo na rin bang ma-inlove?

'Yung feeling na masaya pag nakikita mo siya. Ito 'yung kahit wala siyang ginagawa eh, masaya lang. Basta magkasama kayo.

Naranasan mo na rin bang masaktan?

Masaktan? Dahil sa pag ibig, dahil sa sobrang pagmamahal. Ang sabi ng iba, kakambal daw ng love ang hurt. Kapag minahal mo ang isang tao, parang binigyan mo na rin ito ng karapatan para saktan ka..

Naniniwala ka ba?

Alam ko na madalas mong itanong sa sarili mo na..

Sino kaya ang taong mamahalin ko at mamahalin ako habang buhay?

'Yung taong magpapasaya sa akin..

'Yung taong hindi ako sasaktan..

'Yung taong tatanggapin at mamahalin ako ng buong puso..

May tao kayang nakalaan para sa akin?

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon