21

188 17 0
                                    

"What are you saying, Patrick? Wala akong gusto kay Dennis. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya."

 

"Are you sure, Ate? Sana ma-realize mo agad bago mahuli ang lahat. Alam ko na mahal mo si Kuya Dennis.. Maybe, hindi mo pa 'yon na-re-realize pero Ate, halata naman sa'yo. And for Kuya Marc, alam kong mahal ka pa rin niya.. At alam kong nararamdaman din niya na gusto mo si Kuya Dennis."

 

"Tumigil ka nga. Kung ano ano pinagsasabi mo.. Kanina ka pa eh." 

 

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo."

 

"Totoo? Hindi naman. 'Yung sinabi mo kanina na nanligaw sa 'kin si Dennis.. Hindi 'yun totoo. Andun pa naman si Marc tapos sinabi mo 'yun? Akala ko ba alam mo na may feelings pa siya para sa 'kin? Eh, bakit mo pa sinabi 'yun kanina? Sinabi mo pa na bagay kaming dalawa."

 

"Totoo naman na bagay kayo ni Kuya Marc, Ate eh. Pero sinabi ko lang 'yung mga bagay na 'yun kanina para magising siya. Look, Ate.. Kahit alam niyang you have feelings for Kuya Dennis, andyan pa rin siya."

 

"Because he's my friend."

 

"Pero hindi lang friend ang turing niya sa'yo, alam mo 'yan, Ate. He has feelings for you, too. Kaya siya nandyan dahil umaasa pa rin siya sa'yo kahit na alam niyang may mahal ka nang iba kasi 'yung mahal mo may ibang mahal na rin.. At 'yun ang bestfriend mo."

 

I don't know what to think anymore. Masyado akong naguguluhan sa mga sinabi ng kapatid ko. I know na bata palang siya para dibdibin ko ang mga bagay na sinabi niya sa 'kin pero fvck, those things are all true. Alam ko.

 

Pero bakit ganun? Bata palang siya, he's only sixteen pero bakit alam na niya ang mga ganung bagay? Sht. Siya pa talaga ang nagsampal sa akin sa mga katotohanang pilit kong tinatalikuran dahil alam ko sa sarili ko na kapag pinakinggan ko ang mga bagay na 'to at kapag sinunod ko ang nararamdaman kong 'to ay masasaktan lang ako sa huli and I don't want that to happen.

 

Alam ko, oo. Masyado akong duwag. I don't wanna be hurt, again.. Mahirap 'yon. Naranasan ko na at ayoko nang maulit pa. Tama naman ako, 'di ba? Mahirap magmahal. Masakit magmahal.

 

Dati, lagi kong iniisip at tinatanong na..

 

Sino kaya 'yung taong mamahalin ko at mamahalin ako habang buhay?

 

'Yung taong magpapasaya sa akin..

 

'Yung taong hindi ako sasaktan..

 

'Yung taong tatanggapin at mamahalin ako ng buong puso..

 

May taong nakalaan ba para sa akin?

 

Sino ba siya?

 

Kailan, saan at sa papaanong paraan ko ba siya makikilala?

 

Siguro, nagmadali ako noon kaya ganito ako ngayon. Ang bata bata ko pa 'nun pero puro love na agad ang iniisip ko?

 

Kaya heto ngayon, ang gulu gulo na.. Ang gulo pala kapag nagmahal ka na. Maraming mga bagay kang dapat harapin.. Mga bagay na pwedeng magpasaya sa'yo at mga bagay na pwede ring makasakit sa'yo.

 

Bakit ganun? Masyadong complicated. Dati, okay naman eh. Ayos lang. Akala ko kapag mahal ka at mahal mo din ang isang tao ay magiging okay na lahat sa inyo pero hindi pala..

 

May mga pagkakataon, pangyayari, bagay at tao na pwedeng makasira sa inyo. Sa relasyon niyo. Tulad ng nangyari sa amin ni Marc, akala ko noon ay kami na at magiging masaya na kami pero hindi, there's Cherry. Ang babaeng naging dahilan ng lahat ng mga masasakit na bagay na dinanas ko noon sa relasyon namin ni Marc. Hindi ako aware na siya pala 'yun.. Na siya pala ang magiging dahilan kung bakit kami maghihiwalay ni Marc.

 

But what's the good thing about being broken is that you managed to make yourself whole again.. Na kahit ano pa 'yung mga bagay na nakasira sa'yo, nakawasak sa'yo.. Kaya mong harapin ulit para maging maayos ka ulit.

 

Na kahit ano pang sakit ang naranasan mo, kaya mo pa ring maka-move on. Sa akin, lahat ng mga nangyari sa amin ni Marc ay tapos na. Hindi na maibabalik pa.. I know, mahirap isipin kung paano nangyari but I moved on. Lahat ng sakit at galit ko, nawala nalang bigla. Matuto ka lang tanggapin ang mga nangyari, face them and move on.

 

Niyakap ko ang unan ko habang umiiyak. Oh yes, I am crying. Tama ang kapatid ko, tama si Patrick.. I love Dennis pero bakit ganito? Ang sakit. Ang sakit tanggapin na mahal ko siya.

 

Siguro dahil alam kong wala na akong pag asa.. Wala na. Kasi, kasi.. Kasi may mahal na siyang iba. Kasi sila na ni Mia and I know na masaya na sila. Ayoko naman silang guluhin. Ayokong makasira ng relasyon nang dahil sa na-realize ko.

 

I love Dennis but I'm willing to let go.. Alam ko na kasalanan ko din. Kung noon pa ay nagpakatotoo na ako ay sana kami ang magkasama ngayon.

 

Huli na, 'di ba? Wala na. Kailangan ko nalang sigurong tanggapin na hindi na kami pwede..

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon