27

148 15 0
                                    

Mabuti nalang at bakasyon namin ngayon. Kaya napag isipan nina Papa at Mama na magbakasyon muna kami dahil pareho kami ng kapatid ko na walang pasok sa school.

Lagi naman kaming ganito. Tuwing pwede at may sapat na oras ay madalas kaming magbakasyon na magkakapamilya.

"Pia, Patrick.. Ilagay niyo na ang mga gamit niyo sa sasakyan." Utos ni Mama sa amin nang madatnan niya kaming dalawa ng kapatid ko sa sala. Si Patrick ay busy sa panonood ng cartoons, ako naman ay busy sa pagbabasa sa librong binigay sa akin ni Dennis noon.

Dennis.. Hindi ko maiwasang hindi siya maisip. Nakakainis. Tss. Agad kong ipinilig ang ulo ko upang mawala siya sa isip ko.

Ready na kaming dalawa ni Dennis kanina pa. Hinihintay lang namin sina Papa at Mama para tawagin kami at handa na kaming bumyahe.

Tumayo na ako bitbit ang bag ko na naglalaman ng mga damit at bagay na kakailanganin ko sa pagbabakasyon namin.

Tinapik ko si Patrick para dalhin na rin ang mga gamit niya sa sasakyan. Tumayo naman agad siya at tumungo sa harapan ng tv upang patayin 'yon.

Lumakad na ako palabas at naramdaman ko naman ang pagsunod ni Patrick sa 'kin. Dumiretso kami pareho sa likod ng sasakyan para ilagay ang mga gamit namin sa compartment ng kotse.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit doon ay sumakay na din ako sa upuan sa likod at doon umupo. Nakita ko na rin si Patrick na naglalakad na papunta dito. Maya maya pa ay naramdaman ko na ang pagbukas niya sa pinto ng sasakyan at umupo na din sa tabi ko.

Tumingin siya sa 'kin pagkaupo niya. Umiwas ako ng tingin. "What are you thinking, Ate?"

Napalingon ulit ako kay Patrick dahil sa tanong niya. "Huh?"

"Anong iniisip mo ngayon?" Tanong nito ulit. Tinagalog pa niya. Anong akala niya sa 'kin? Hindi nakakaintindi ng English?

Sumimangot ako sa kanya at sumagot. "Wala."

'Di na siya nagsalita pagkatapos 'non. Inilabas ko nalang ang libro na binabasa ko kanina. 'Yung librong iniregalo sa 'kin ni Dennis.

Sht. Dennis! Naiinis pa rin ako sa kanya. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari nung isang araw.

Napapikit na naman ako at binanggit ang mga katagang gusto niyang sambitin ko. "I-I love you." Suminghap ako. "Mahal kita, Dennis." Diretsong sabi ko habang nakapikit pa din.

 

"W-what? A-are you sure?" Nanginginig ang boses niya. Sht. What kind of question is that? "Baka naguguluhan ka lang. Si Marc ang mahal mo!" Nagulat ako sa isinigaw niya. Fvck. Bakit ganun? 

 

Lumayo ako mula sa pagkakahawak niya sa 'kin. Bigla akong nainis sa ipinakita niyang reaksyon at lalong lalo na sa itinanong at sinabi niya sa akin.

 

Nakita kong nagulat siya nang lumayo ako sa kanya. Akmang lalapitan niya ako ngunit mabilis akong umatras para hindi niya ako tuluyang malapitan.

 

"Really, Dennis? Tinatanong mo talaga sa 'kin 'yan? Sht!" Sigaw ko sa kanya. "And you're telling me na hindi, na si Marc ang mahal ko. Nakakainis ka!" Napaiyak na ako. Naiinis ako sa kanya. Akala ko pa naman, okay na.

 

Nakita ko ang mga mata niyang titig na titig sa 'kin. Nag iwas ako ng tingin.

 

"So, ganon? Hindi ka naniniwala sa 'kin? Okay, fine! I get it. Hindi ka naniniwala na ikaw ang mahal ko? Just.. Ahh!" Napasigaw nalang ako dahil sa inis at sakit na nararamdaman ko.

 

Tumalikod na ako sa kanya at mabilis na naglakad paalis. Heto na naman, nasasaktan na naman ako.

Naririnig ko pa din ang pagtawag niya sa pangalan ko at ang pagsunod niya sa 'kin. 'Wag kang lilingon, Pia. 'Wag. Lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko para hindi na niya ako maabutan pa.

"Pia!" Sigaw niya at marahan niyang hinila ang kamay ko. "Makinig ka muna. 'Wag mo akong takbuhan." Mahinahong sabi nito.

Iniharap niya ako sa kanya at marahang pinisil ang kamay kong hawak niya. Napapikit naman ako sa ginawa niya.

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero nanatili pa din akong nakatayo sa harapan niya. Gustuhin ko mang lumakad palayo sa kanya at takbuhan siya ay hindi ko magawa. Hindi ko alam.

"Listen to me. Okay? 'Yung sinabi mo.. I-I just can't believe you said that. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na sinabi mong mahal mo 'ko." Nakatitig siya sa mga mata ko habang sinasabi 'yon.

"S-sorry kung iba ang naging dating sa'yo but baby, believe me.. Hindi ganun 'yon. I love you at hindi lang ako makapaniwala na mahal mo din ako." Nakita ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata niya.

"Nagulat lang ako. Kasi akala ko.. Akala ko siya pa rin, akala ko siya-" 

Hindi na niya nagawang tapusin ang sinasabi niya dahil nagsalita ako. "Ano na naman?! Na akala mo si Marc?! Si Marc pa rin?! Alam mo, nakakainis ka! Bakit ba mas alam mo pa sa 'kin?! Hindi eh. Wala kang alam. Wala kang alam sa nararamdaman ko! Alam mo 'yun, Dennis?! Inuunahan mo 'ko! Bakit hindi ka makinig sa 'kin?! Ha?! Pag sinabi kong ikaw ang mahal ko, ikaw! Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?! Sa tingin mo ba, nagsisinungaling ako?! Oo, 'yun ang tingin mo! 'Di ba? Kaya ayaw mong maniwala. Sht! Bahala ka! Ayoko na. Naiinis na 'ko sa'yo! Ayoko nang makinig sa mga sasabihin mo!" Tuluy tuloy kong sabi at tsaka humakbang palayo sa kanya.

"No, Pia.. Please, don't go.." Pakiusap niya pero umiling lang ako. Ayoko munang makinig sa kanya. I need time to think. I need space. Umatras na naman ako.

"No, Marc. Please. Aalis ako. 'Wag mo 'kong susundan. Ayoko munang makita ka." Nakikiusap na pahayag ko atsaka na ako tuluyang tumalikod at naglakad habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko.

Iyak na naman. Ang drama ng buhay ko. At heto na naman ako, nagtatago sa katotohanan. Tinatakbuhan ko na naman.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon