9

354 23 2
                                    

"No. It's not what you think. Hindi ganoon ang nangyari." Hinihilamos niya ang mga kamay niya sa mukha niya at ginulo din ang buhok niya.

 

Kitang kita ko na nahihirapan siya at nasasaktan. Tumulo ulit ang mga luha niya. "Hon, listen to me." Singhap niya. "I'll tell you everything. Makinig ka, please." Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko ang mga nagmamakaawang mga mata niya na nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

 

Napatango ako sa hindi malamang dahilan. Maybe, this is the time. Ang tamang oras para malaman ko lahat, lahat lahat. Makikinig ako sa mga sasabihin niya.

 

"That thing happened between me and Cherry was a mistake, a big mistake at sobrang pinagsisihan ko 'yon. Hindi dapat 'yon nangyari. Hindi dapat kita nasaktan at nasasaktan. I'm sorry. I was really drunk that time, hindi ko naman alam na may mangyayaring ganun." He looked at me. "Tiwala ako noon na walang mangyayaring hindi maganda kahit na malasing ako dahil kasama ko naman ang mga kaibigan ko. Ilang beses na rin namang nangyari 'yun. Umiinom kaminalalasing pero nakakauwi pa din ako na walang nangyayaring masama but that night.. Hindi ko alam what got into Cherry's mind. Alam naman niyang lasing na lasing ako because we had a party, it's her birthday. Alam kong hindi siya lasing ng mga panahon na 'yon dahil busy siya sa pag asikaso sa ibang bisita niya kaya nagtataka ako na ginawa niya 'yon, na hinayaan niyang may mangayari sa 'min.. But I know, its my fault, too dahil hinayaan ko na malunod ako sa alak sa gabing 'yon. I regret it. Sobra. 'Yon ang naging dahilan kung bakit tayo nagkasiraan na dalawa." Ramdam ko ang pait sa pananalita niya.

 

"After that incident, ayoko pang maniwala na may nangyari sa amin. Hindi ako naniniwala na totoo 'yun that's why I avoided her. Ayoko siyang makita o makausap but she keep on texting and calling me. Galit ako noon sa kanya. Nagalit ako ng sobra dahil alam naman niya na may girlfriend ako, alam niya na mahal na mahal kita pero gumawagawa siya ng mga bagay na pwede nating ikasira. Higit isang buwan ko siyang iniiwasan pagkatapos 'nun. Kapag may lakad ang barkada, hindi ako sumasama kapag alam kong kasama siya. Gusto kong umiwas, gusto kong layuan at takasan lahat ng bagay na pwedeng makasira sa 'ting dalawa." Parang hindi mag sink in sa akin lahat pero pinipilit ko pa 'ding makinig.

 

"And after few weeks, kinausap ako ni Jake tungkol kay Cherry. Kailangan daw naming mag usap na dalawa. Hindi ako pumayag at hindi naman nagpumilit si Jake. Hindi ko alam kung may alam ba si Jake noon sa nangyari sa amin ni Cherry. Alam ko na kaming dalawa lang ang may alam tungkol doon." Tiningnan niya ako.

 

"Wala akong pinagsabihan. Ayoko na may makaalam dahil baka makarating 'yon sa'yo. Ayokong masaktan ka kapag nalaman mo. Binalaan ko din noon si Cherry na walang dapat makaalam sa nangyari. Sobrang galit ako nung sinabi ko 'yon sa kanya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang sumang ayon sa gusto ko." Nakikinig lang ako.

 

"Pero one day, pumunta siya sa bahay. I was shocked to see her there na kausap sina Daddy't Mommy, she's crying that time at nakita ko din ang mga maleta na nasa tabi ng upuan na inuupuan niya nang madatnan ko siya sa sala." Sht.

 

"My Dad automatically stood up when he saw me. Kitang kita ko ang galit at disappointment sa mukha niya when he faced me and when I look at my Mom, she was crying, too na nakatingin sa akin with that look at her face, na parang naaawa." Suminghap siya at pinagmasdan ako ng maigi bago nagpatuloy.

 

"Dad said he was very disappointed. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya that time pero na-realize ko na andun nga pala si Cherry so I faced her and asked her kung anong ginagawa niya sa bahay, then sinuway ako ni Mommy and told me na 'wag kong pagtaasan ng boses si Cherry at baka makasama daw 'yon sa lagay niya. Then there, she told me.. She was pregnant with my child." Tumutulo lang ang luha ko habang nakikinig sa kanya. Sht. 

 

"Kinausap ko si Cherry pagkatapos 'nun at sinabi niyang pinalayas siya sa kanila nang malaman na buntis siya. Wala akong choice kung hindi hayaan siya na tumira sa bahay. I was really angry that time na gusto ko na siyang saktan pero hindi ko gagawin dahil hindi tama. Alam ko na may kasalanan din ako sa nangyari. But when I asked her kung bakit hinayaan niyang may mangyari sa amin that night, sinabi niya na pinlano niya lang ang lahat ng 'yon para may mangyari sa amin para hiwalayan na daw kita." Narinig kong humugot siya ng napakalalim na hininga.

 

"I asked her why, sinabi ko sa kanyang alam naman niya na ikaw ang mahal ko. Nagulat ako sa sinagot niya sa akin, ang sabi niya ginawa daw niya 'yon dahil mahal kita. Sinadya niya 'yon para magkasira tayong dalawa. Dahil alam niyang wala nang bagay na magpapahiwalay sa akin sa'yo kaya nag isip siya na gawin 'yon para ikaw ang umayaw sa akin, para iwan mo na ako at wala na daw siyang magiging kaagaw." Nagulat ako.

 

"She was desperate. Hindi ko alam na may pagtingin pala siya sa akin. Hindi ko alam na mahal pala niya ako. Ginawa niya ang lahat ng 'yon para makuha ako and I am very disappointed sa mga actions na ginawa niya, nagalit ako. Galit na galit. And I was disappointed with myself, too dahil hinayaan ko siyang magtagumpay sa gusto niya."

 

Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. Sht. I can't believe it.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon