10

346 20 3
                                    

Napagpasyahan ko na pumunta sa mall dahil Sabado naman at walang pasok. Isa pa, natapos ko na din lahat ng mga assignments at projects ko kaya ayos lang na mamasyal ako ngayon.

Ang totoo nyan, hindi naman talaga ako gala na laging lumalabas o namamasyal, ako 'yung tipong mas gustong manatili sa bahay at mag-online, magbasa o manood nalang ng mga movies ang atupagin maghapon. Mas okay sa akin 'yon kaysa maggala sa labas. Mas safe pa sa bahay.

Kapag kailangan lang o kapag may nag aya sa aking mamasyal ay doon lang ako lumalabas. Wala naman akong masyadong mga kaibigan kaya talagang madalang lang.

Pero ngayon, mas pinili kong mamasyal sa labas kahit mag isa lang ako para makapaglibang. Ang dahilan? Para iwasan at takasan muna ang mga bagay na pilit pumapasok sa isip ko. Kahit gaanong pagpipigil ang gawin ko ay pilit pa rin silang sumisiksik sa utak ko.

Ganun yata talaga eh. 'Yung mga bagay na iniiwasan mo, 'yung mga bagay na pinipilit mong kalimutan at mga bagay na sinisikap mong 'wag maisip ay 'yon pa ang mga bagay na pilit na sumasakop sa pag iisip mo. Nakakabaliw.

Nang makita ako kanina ni Mama pagbaba ko na bihis na bihis ay nagulat pa siya, nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya bago pa siya magsalita at magtanong ay inunahan ko na.

Nagpaalam ako na lalabas lang saglit para mamasyal. Bahagya pang kumunot ang noo ni Mama nang sabihin ko 'yon, marahil ay nagtataka siya, hindi siya sanay na umaalis at lumalabas ako nang bahay para mamasyal.

Lalo pa siyang nasorpresa nang sagutin ko ang tanong niya kung sinong kasama ko, sinabi kong ako lang mag isa. Tinitigan niya lamang ako saglit at pumayag na siya.

Alam ko kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Mama. Bakit parang big deal 'yon? Ay dahil hindi siya makapaniwala, hindi siya sanay na lumabas ako lalo na't mag isa lang ako.

Madalas kasi ay kung lalabas man ako para mamasyal ay dahil kay Marc, noon 'yon. Noong mga panahon na okay pa kami at maayos pa ang relasyon namin.

Sa ngayon, kay Dennis. Siya lang ang nag aaya sa aking lumabas at mamasyal. Masyado daw akong anti-social kaya wala akong masyadong kaibigan pero hindi naman 'yon totoo. Friendly kaya ako, sila lang talaga ang may ayaw sa pagkakaibigan na hatid ko.

Naalala ko na naman ang dalawang 'yon.. Hindi muna dapat. Sila nga ang dahilan kung bakit ako maglilibang ngayon para makalimot muna pero sila itong naiisip ko.

Dumiretso ako sa department store pagdating ko sa mall, bibili ako ng bagong damit. Wala lang, para may magawa lang.

Napabuntong hininga nalang ako nang makakita ako ng dalawang babaeng magkasama na masayang namimili ng mga damit. Siguro ay magbestfriends sila.

Naalala ko si Mia. Nakaka-miss din ang babaeng 'yon. Kailan kaya siya babalik dito sa Pinas? Para naman makasama ko na siya ulit.

Mas masaya kasi kung may kaibigan din akong babae. 'Yung laging kasabay tuwing kakain. Laging sasabihan ng mga kwento. Laging nandyan para hampasin ka kapag kinikilig sa crush. Laging kasa-kasama sa pamamasyal, sa pamimili ng mga damit at kung anu ano pa.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon