15

219 18 5
                                    

Naglakad kami ni Marc hanggang makarating kami sa may garden sa bahay. Dito ko naisip na mag usap kami, dito kami pwedeng mag usap dahil tahimik at walang ibang taong nandito.

 

Halos sabay kaming umupo sa dalawang magkahiwalay na upuan. Ayokong tumabi sa kanya kaya sinadya ko na dito maupo sa mas maliit na upuan kahit na maluwang pa naman ang pwesto sa tabi niya.

 

"How are you?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang tanong na lumabas sa bibig niya. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na nakatingin din pala siya sa 'kin.

 

"I'm okay." Sagot ko at ngumiti. Ayokong maging rude sa kanya. 

 

I saw him smiled, too. "Thank you." 

 

"Thank you? Para saan?" Tanong ko naman. Bakit ba siya nagpapasalamat sa 'kin? At bakit sobrang saya yata ng lalaking 'to? Kanina pa siya ngiti nang ngiti.

 

"For this. Dahil pumayag ka na ulit na makipag usap sa 'kin." Sagot niya at ngumiti na naman. O-okay? Ngumiti nalang din ako.

 

"Ahh. 'Yun ba? Wala 'yun.." He's been texting and calling me the past week pero hindi ko 'yon sinasagot. Gusto niya kasing mag usap kami pero ayoko eh, noon pero ngayon, okay na sa 'kin. Ewan. Basta feeling ko, time na para mag usap kami. Napangiti nalang ako bigla, unti unti na siguro akong nakaka-move on sa sakit na naranasan ko dati.

 

Tumikhim siya kaya naagaw niya ang atensyon ko. "Pia, gusto ko lang ulit sabihin that I still love you, sobra and sorry for everything. Alam kong nasaktan kita and I understand kung bakit ka nagalit o baka hanggang ngayon, galit ka pa din pero gusto ko lang malaman mo na nagsisisi ako sa mga nagawa ko."

 

Tuluy tuloy lang siya sa pagsasalita habang nakatingin sa 'kin at nakatuon lang din ang atensyon ko sa kanya. Napapikit siya at biglang yumuko. Bakit? I don't know. Sa totoo lang, I don't know how to react.

 

Nag angat siya ng tingin at nakita ko na pula ang mga mata niya. Pula dahil malapit na siyang maiyak pero pinipilit niyang 'wag matuloy 'yon.

 

I heard him laughed. "Sht. I'm so gay." Bulong nito at tumingala, pinagmasdan niya ang tanawin sa taas. "Bakit ba pagdating sa'yo, lagi nalang akong umiiyak?" Bumaling na ang tingin nito sa akin.

 

"Ganun siguro talaga, 'no? Kapag mahal mo, kahinaan mo din." Bulong niya. Bakit ba lagi niyang sinasabi na mahal niya 'ko? Napatitig lang ako sa mukha niya. Marc is really handsome, lalo pa nga siyang gumwapo ngayon. Ah! Ano ba 'to?

 

"Hey, say something. Lagi ka lang nakatitig." Nagulat ako nang nagsalita siya kaya napaiwas agad ako ng tingin.

 

"I don't know what to say.. Where to start, I mean." I said at tumingin na ulit sa kanya. "Pero Marc, I want you to know that 'yung mga nangyari sa past, wala na 'yun sa 'kin.. Siguro, ito 'yung sinasabi nila na naka-move on na ako sa mga nangyari." Yes, its true. I don't know how it happened.. Dati, lagi kong naiisip ang mga masasakit na nangyari but now, wala na. 'Di ko alam. Basta bigla nalang naramdaman ko na I'm okay, okay with it. Ayos na 'ko. Wala nang mabigat na pakiramdam.

 

Ganito siguro talaga kapag nalaman mo ang story behind what happened. Sa case ko, 'nung mga panahon na hindi ko pa alam ang totoo.. I'm always thinking na, what happened? Bakit ganoon ang nangyari? Bakit niya nagawa sa 'kin 'yun? But now, its different. 'Yung parang lahat ng mga nasa isip ko, mga tanong sa isip ko ay nasagot na. 'Yung mga bagay na pilit kong iniisip at gusto kong malaman, nalaman ko na. Kaya siguro magaan sa pakiramdam.

 

Marc smiled on what I said. Napangiti din ako. Maybe, this is what we need. 'Yung maayos na usapan. Walang sigawan. Less drama.

 

"Masaya ako na napatawad mo na 'ko." Ngumiti ulit siya pero kitang kita ko sa mga mata niya na hindi siya masaya. Totoo ba 'to? Bakit? Gusto kong magtanong pero mas pinili kong manahimik nalang.

 

Tumayo siya sa inuupuan niya at nagsimula siyang lumakad papalapit sa 'kin kaya napatayo na din ako. Now, we're facing each other. He held my face. Nagulat ako pero hindi ko siya pinigilan.

 

"Thank you, Pia." Bulong nito at napapikit ako nang dumampi ang labi niya sa noo ko.

 

"Ahh, thank you din.." Hindi ko na muna minulat ang mga mata ko.

 

"I love you so much, Pia."

 

May binulong pa siya na hindi ko naman masyadong narinig, niyakap niya ako. Kasabay nang pagbulong niya ay naramdaman kong may tumulong tubig mula sa pisngi niya. He is crying. Hinayaan ko lang siya.

 

Hindi ko na din napigilang hindi umiyak. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin kaya niyakap ko na din siya pabalik.

 

Ilang segundo pa ang lumipas ay naramdaman kong tumigil na siya sa pag iyak. Bumitaw na rin siya sa yakap at lumayo nang kaonti para punasan ang mga luha na nasa pisngi niya, pinunasan ko na din ang mga luha ko at natigil na din sa pag iyak.

 

Pagkatapos niyang pakalmahin ang sarili ay binalingan niya ulit ako. "Huli na talaga ako nang dating." Sabi niya at tumawa pa ito ng mahina. Ramdam ko pa din ang pait sa pananalita niya sa kabila ng pagtawa niya.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon