26

145 16 0
                                    

Sandali lang ang halik na 'yon pero ramdam na ramdam ko ang pag iingat ni Dennis.. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya.

Hindi ko namalayan na tumulo na naman ang mga luha ko. Naramdaman ko nalang na pinupunasan na naman ni Dennis ang mga 'yon.

Lagi nalang. Lagi nalang may nagpupunas ng mga luha ko tuwing umiiyak ako. Hindi ba dapat matuto ako na kahit minsan ay punasan din ang sarili kong luha? Para hindi na ako masyadong dumepende sa ibang tao.

"Sabi ko 'wag ka ng umiyak. 'Di ba?" Sabi niya sabay ngiti.

Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa mga mata niya.

"Huwag ka nang iiyak, Pia. I want to see you smiling, always.. I want you to be happy." Ngumiti siya pero kitang kita ko pa din ang lungkot sa mga mata niya. "Alagaan mo ang sarili mo." Dagdag niya.

"W-why? Why are you saying those things to me?" Nanginginig ang boses ko nang tanungin ko 'yon. Sht. Tama ba? Tama ba ang hinala ko na.. 'Wag naman, please.

"Because I love you." Nakangiti niyang sagot. "And I want you to be happy, baby. Makita lang kita na masaya, masaya na din ako." 

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng mga gusto kong sabihin at itanong sa kanya ay hindi ko na nagawang isalita ang lahat ng 'yon. Siguro ay sapat na ang mga narinig ko mula sa kanya, siguro lahat ng mga sinabi niya sa akin ay sapat na para sa akin sa ngayon.

Naramdaman kong tumayo na siya kaya napatingala ako para makita ko pa rin ang mukha niya. Sht. Ang gwapo talaga niya.

"Thank you." He smiled kaya napangiti din ako. Kahit kailan talaga, nakakahawa ang ngiti niya.

Napapikit ako nang bigla siyang yumuko at halikan at tungki ng ilong ko pagkatapos ay sa noo naman. Hilig niya talaga 'to, ang halikan ako sa noo.

Nakapikit pa din ako. "I really love you." Narinig kong bulong niya habang nakahalik pa din siya sa noo ko. Napangiti nalang ako bigla sa ibinulong niya.

Tumayo na siya ng maayos at ngumiti siya sa 'kin ng napakatamis. "Tumayo ka naman dyan. Payakap naman ako." Sabi niya at ibinuka niya ang dalawang kamay na para bang naghihintay sa yakap ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo ako agad at yumakap sa kanya. Niyakap naman niya ako agad pabalik.

"I love you, Dennis." Bigla ko nalang nasambit habang magkayakap pa din kami. Sobrang hina lang ng boses ko nang sabihin ko ito kaya hindi ko alam kung narinig ba niya 'yon o ano.

Pero naramdaman ko na medyo natigilan siya. Sht. Malamang narinig niya kung ano man ang sinabi ko. Bigla niya akong inilayo sa kanya habang hawak hawak pa din ako sa mga balikat at tinitigan ako ng maigi.

"W-what did you say?" Gulat na tanong nito. Parang hindi siya makapaniwala sa narinig.

Napayuko ako dahil sobrang pagtitig ang ginagawa niya sa akin. Naiilang pa din ako. Hindi ako makatingin sa kanya. Narinig ko bumuntong hininga siya at hinawakan ang baba ko para maiangat ang ulo ko.

Nagtama ang mga mata naming dalawa at tinanong niya ako ulit. "Ulitin mo. Ulitin mo 'yung sinabi mo, baby.. Please." Pakikiusap niya.

Napapikit na naman ako at binanggit ang mga katagang gusto niyang sambitin ko. "I-I love you." Suminghap ako. "Mahal kita, Dennis." Diretsong sabi ko habang nakapikit pa din.

"W-what? A-are you sure?" Nanginginig ang boses niya. Sht. What kind of question is that? "Baka naguguluhan ka lang. Si Marc ang mahal mo!" Nagulat ako sa isinigaw niya. Fvck. Bakit ganun? 

Lumayo ako mula sa pagkakahawak niya sa 'kin. Bigla akong nainis sa ipinakita niyang reaksyon at lalong lalo na sa itinanong at sinabi niya sa akin.

Nakita kong nagulat siya nang lumayo ako sa kanya. Akmang lalapitan niya ako ngunit mabilis akong umatras para hindi niya ako tuluyang malapitan.

"Really, Dennis? Tinatanong mo talaga sa 'kin 'yan? Sht!" Sigaw ko sa kanya. "And you're telling me na hindi, na si Marc ang mahal ko. Nakakainis ka!" Napaiyak na ako. Naiinis ako sa kanya. Akala ko pa naman, okay na.

Nakita ko ang mga mata niyang titig na titig sa 'kin. Nag iwas ako ng tingin.

"So, ganon? Hindi ka naniniwala sa 'kin? Okay, fine! I get it. Hindi ka naniniwala na ikaw ang mahal ko? Just.. Ahh!" Napasigaw nalang ako dahil sa inis at sakit na nararamdaman ko.

Tumalikod na ako sa kanya at mabilis na naglakad paalis. Heto na naman, nasasaktan na naman ako.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon