35 - Last Part: Ending

192 15 10
                                    

Nakarating kami dito sa may garden ng bahay nina Marc. Nagulat pa ako nang makita kong naka-set up 'yon. Romantic dinner? Mukhang pinaghandaan ni Marc 'to. Ito ba 'yung surprise na sinasabi ni Mia?

"Marc.." Tawag ko sa kanya.

Bumaling siya sa 'kin nang nakangiti. Pinisil niya ang kamay kong hawak niya. "Hey.." Maikling tugon niya sa 'kin.

Napabuntong hininga ako. Para saan ba 'to? Akala ko ba okay na sa kanya na wala na talaga kami? Wala na. Lumingon ulit ako sa kanya at tinitigan siya.

Tumawa siya nang makita ang reaksyon ko. "Yeah, I know." Nakangiting sabi niya sa 'kin. "Don't worry, hindi ako ang nag set up nito." Dagdag pa niya na lalong nagpa-kunot sa noo ko.

"Malalaman mo din mamaya." He winked at me at binitawan na ang kamay ko. "Baka may magselos na." Natatawang sabi niya.

Ano bang pinagsasabi nito? Naguguluhan ako sa kanya.

"Alam ko na mula ngayon, magiging masaya ka na talaga." Bulong ni Marc at niyakap ako.

Aangal na sana ako dahil naguguluhan talaga ako sa kanya. Akmang aalisin ko na sana ang yakap niya sa 'kin pero pinigilan niya 'ko. "Last na 'to. Saglit lang." Bulong niya kaya hinayaan ko nalang siya.

"Tama na 'yan. Sobra ka na eh."

Bigla kaming napahiwalay ni Marc sa isa't isa nang marinig ang boses na 'yon. Hinanap ko kung saan nagmula ang boses.

"D-Dennis?" Nag aalangang tawag ko nang makita ko siya na nakatayo lang malapit sa pwesto namin ni Marc.

Lumakas ang tibok ng puso ko lalo na nang ngitian niya ako. Sht. Am I dreaming? Andito na ba talaga si Dennis?

Naglakad siya papalapit sa 'min. Ang buong akala ko ay ako ang pupuntahan niya pero hindi pala. Nilapitan niya si Dennis at binigyan niya ito ng pabirong suntok sa balikat, tumawa naman si Marc.

"Pinagbigyan na nga kita, umabuso ka pa." Naiinis na sabi ni Dennis habang pinapanood si Marc na tumatawa pa rin nang bahagya.

"Sorry naman, pre. Last na 'yun." Sagot naman ni Marc habang pinipigilan ang pagtawa.

Sumimangot si Dennis sa kanya. "Siguraduhin mo lang.. Dahil baka makalimutan ko na ikaw pala ang tumulong sa 'kin para dito." Nakasimangot pa din si Dennis habang nagsasalita.

Tumawa na naman ng malakas si Marc. Ano bang nakakatawa? Baliw na ata 'tong si Marc eh.

"Ikaw naman, pre. Grabe ka. Ganyan ka pala kapag inlove?" Pang aasar ni Marc.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon