33

120 14 0
                                    

"Kaya pagkatapos 'nun, kinausap ko ulit si Dennis to let him know na hindi ko talaga intensyon ang date na hiniling ko sa'yo.. Pero bago ko pa umpisahan, he asked me kung bakit ko daw siya gustong maka-date. Kinwento niya sa 'kin kung paano mo sinabi sa kanya ang gusto kong mangyari. Alam mo, kambal. Nakakainis ka eh. Kung nakita mo lang 'yung itsura niya 'nun habang nagku-kwento sa 'kin, tingnan ko lang kung 'di ka mapaamin nang hindi oras."

"At 'yon. Doon na nagsimula.. I have to make a move para mapaamin ka kaya itinuloy ko ang plano ko.. Itinuloy ko na 'yung date. Alam kong masasaktan ka pero alam ko na maiintindihan mo din, ginagawa ko 'yun for you.. 'Cause I want you to be happy."

"At first, ayaw ni Dennis.. When I told him about my plan, ayaw niya. Ang sabi niya, para saan pa daw ba 'yang mga gagawin ko, namin.. Sabi niya, you don't care. Wala ka naman daw pakialam sa kanya. Pero sabi ko, magtiwala lang siya sa 'kin. I convinced him at pumayag naman siya."

"Then, there.. We have to pretend na kami na.. I suggested it kasi sa nakikita ko, nagtatago ka pa rin ng nararamdam kahit na halata naman na nagseselos ka na."

Sa buong oras na nagsasalita si Mia sa harapan ko ay tahimik lang ako. Nakikinig. Hindi ko na ata alam kung ano ang mga sinasabi ni Mia sa 'kin.. Sobrang dami. Ang hirap i-absorb.

Tiningnan ko siya.. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko ngayon. Gulat ako at hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin, kung ano bang kailangan kong i-react sa mga nalaman ko. Masyadong nakakagulo sa utak.

Bumuntong hininga si Mia bago nagsalita at nilapitan ako.

"Hey, kambal. Alam ko na masyado kang nagulat sa mga sinabi ko pero magsalita ka naman. Ayan ka eh, ayaw mo na naman maglabas ng mga nararamdaman mo.. Tell me, okay ka pa ba?"

Napatitig ako sa kanya at biglang natawa. Okay ka pa ba? Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit napangiti nalang ako sa sinabi niya. Para akong baliw. Biglang napapangiti, natatawa tapos iiyak. Lakas na yata ng tama ko.

"Oh, ano? Ngi-ngiti ngiti ka dyan. Magsalita ka na." Nakasimangot na siya.

Lumapit ako lalo sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you, kambal." Bulong ko habang magkayakap kami.

Pabiro niya muna akong hinampas sa balikat bago ako yakapin pabalik.

"Nakakainis ka naman eh. I love you, too." Bulong nito pabalik.

Naghiwalay na kami sa yakap at sabay pang natawa. Baliw na yata kami. Ano bang nakakatawa?

"Thank you, Mia." Sincere na sabi ko at ngumiti. "Ang akala ko noon, totoo na kayo talaga. Akala ko mahal niyo talaga ang isa't isa. Pero alam mo, kung totoo man na kayo at hindi lang kayo nagpapanggap.. Ayos lang sa 'kin. Tanggap ko naman eh. Kasalanan ko din, alam ko 'yon. Kaya nga hindi ko nagawang magalit sa'yo kasi alam ko sa sarili ko na kung 'dun kayo masayang dalawa, hahayaan ko kayo. Alam mo'yon? Pareho kayong mahalaga sa 'kin. Pareho ko kayong mahal. At willing akong magparaya at hayaan kayo. Ganun 'yun. But this, ngayong alam ko na ang lahat.. Ngayon na sinabi mo sa 'kin ang lahat ng 'to.. Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman, kung ano bang dapat kong gawin ngayon." Mahabang paliwanag ko.

"But I want you to know na I'm happy, sobra. Masaya ako na okay tayo.. Thank you." Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya.

"Ano ka ba naman?! Bakit ka ba ganyan?! Pinapaiyak mo 'ko sa mga sinasabi mo." Naiiyak ngunit nakangiting pahayag ni Mia.

Lukaret talaga ang babaeng 'to.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon