17

192 16 0
                                    

Naiinis ako kay Dennis. Hindi ko nga siya kinakausap ngayon eh. Tsk. I don't know why. Basta. Naiinis ako.

 

Tuwing magkakasalubong kami, hindi ko siya pinapansin. Nagte-text nga din siya eh at hindi rin ako nagre-reply.

 

Sino ba naman kasing matutuwa sa kanya? Sino ba naman ang hindi maiinis dahil sa ginawa niya? Ugh. Ayoko nang isipin. Lalo lang akong na-ba-badtrip.

 

Ang buong akala ko, tutol siya at hindi niya gusto ang idea ko na makipag-date siya kay Mia pero mukhang nagkakamali ata ako, masyado pa nga siyang excited eh. Tsk.

 

Siya pa mismo ang nag aya kay Mia without my consent. 'Ni hindi siya nagsabi sa akin na inaya niya palang magdate ang bestfriend ko. Wait, wait, wait. Bakit nga ba kailangan niya munang ipaalam sa 'kin? Ah.. 'Di ko alam.

 

Alam ko may right naman ako to be mad at him or magtampo man lang. Ang usapan kasi namin, hihintayin niya muna ako sa pagsasabi kung kelan at saan sila magda-date pagkatapos ay masyado pala siyang excited at siya na mismo ang nagset ng oras at lugar kung kelan sila lalabas. Sino ang hindi mapipikon? Eh, nung nag usap nga kami, halos hindi na niya ako magawang tingnan nang dahil sa hiningi kong pabor na iyon. Kunwari pa siya na ayaw niya, ngayon naman pala.. Gustung gusto niya. Tsk.

 

Teka nga, bakit nga ba ako naiinis? At bakit ba masyado big deal sa akin iyon? Ano ba 'yan. Nakakainis talaga. Ang sabi ko ay ayoko nang isipin pero heto ako ngayon at iniisip na naman ang bagay na 'yon.

 

Pia, hayaan mo na sila. Bakit ka ba ganyan kung maka-react? Ano naman ngayon kung nagdate sila? Bakit ba galit na galit? Tsk. Be calm, Pia. Be calm.

 

**********

 

"Uy, kambal. Bakit ang tahimik mo ata dyan?" Kalabit sa akin ni Mia na katabi ko ngayon. Nakaupo kami sa loob ng classroom habang naghihintay sa prof namin. 

 

Tiningnan ko siya pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Busy-ng busy siya sa pagkalikot sa cellphone niya. Kung ano bang ginagawa niya? Hindi ko alam.

 

"Wala lang." Simpleng sagot ko sa kanya at iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. I sighed. Naiinip ako ngayong araw. Gusto kong lumabas at mamasyal.. Nang mag isa.

 

"Hayy.. Alam mo, kambal. Dapat magkaroon ka na ng boyfriend eh. Para naman hindi ka laging tahimik dyan." Biglang sabi ni Mia. Ano daw? Boyfriend? Anong connect ng pagkakaroon ng boyfriend ng isang tao sa pagiging tahimik? 

 

"Teka nga, ano naman ang connect 'nun sa pagiging tahimik ko?" Sagot ko sa kanya.

 

Natawa siya at parang nag isip isip pa. "Ahm, wala lang. Gusto ko lang naman sabihin 'yon. 'Yun ang pumasok sa isip ko eh." Tumatawa pa rin siya nang sabihin niya 'yon. Parang baliw talaga 'tong si Mia kahit kailan.

 

"Tse! Para ka talagang baliw dyan." Natatawa na ring suway ko sa kanya. Paano ba naman kasi, nakakatawa ang itsura niya ngayon. Para siyang ewan.

 

Kinalma ko na ang sarili ko at kinuha ang isang libro sa bag ko. Magbabasa muna ako habang hindi pa dumadating si prof. Papasok pa ba 'yun? Ang tagal niya eh.

 

"Ahhh!!" Nagulat ako sa tili ni Mia. Tinakpan ko ang mga tenga ko dahil hindi pa rin siya natatapos tumili habang nakatingin sa cellphone niya. Anong meron?

 

"Uy!" Gulat ko sa kanya para naman matauhan siya na nasa school siya ngayon at hindi siya dapat magtitili ng ganoon sa loob ng classroom. "Bakit ka ba tumitili bigla dyan? Tumigil ka na, nasa school tayo oh." Sabay nguso ko para ituro ang mga classmates namin na naagaw niya ng atensyon. Ang dami na ng mga nakatingin sa kanya dahil sa pagsigaw na ginawa niya kanina.

 

Nagpeace sign siya nang bumaling sa mga taong nandoon at nagpa-sorry sa ginawa niya, ngumiti lang naman ang mga kasama namin doon sa kanya. Marahil ay naiintindihan nila kung bakit nalang ito biglang nagtitili kanina.

 

Kinalma niya ang sarili bago sabihin sa akin kung ano ang dahilan kung bakit siya nagtitili bigla.

 

"Ang sweet ni Den, kambal. Kainis. Lagi niya akong pinapakilig tuwing magka-text kami." Natutuwang kwento niya habang may malapad na ngiti sa labi.

 

Sht. Kung ano ang kinalapad ng ngiti niya, 'yon din ang kinasimangot ng mukha ko nang dahil sa sinabi niya.

 

Sweet si Dennis sa kanya? And wait, Den na ang tawag niya kay Dennis? Close na sila? Ganoon na sila ka-close? Dati, ako lang ang tumatawag na Den sa kanya dahil ayaw daw niya na may ibang taong tumatawag sa kanya 'nun tapos ngayon, okay na din siya kay Mia? Fvck. At lagi din silang magka-text? Wow. Edi sila na. Sila na ang close. Sila na ang textmates. Leche.

 

Textmate na pala sila ni Mia, eh bakit pa siya nagte-text sa 'kin? Tsk. Nakakainis.

 

Pinilit ko nalang ngumiti kay Mia kahit na sa loob ko ay sobrang bigat na nang dibdib ko sa mga nalaman ko. Urgh. 

 

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Masyado akong naiinis sa mga bagay bagay lalo na tungkol kay Dennis. Urgh. I hate this feeling..

 

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon