24

172 16 2
                                    

Mahigit isang linggo na din ang lumipas matapos ang pangyayaring 'yon pero hanggang ngayon, andun pa rin, ramdam ko pa rin 'yung sakit, pagka-gulat sa mga nalaman ko at lahat na. 

 

Sina Marc at Dennis ay parehong hindi na nagparamdam at nagpapakita sa 'kin sa nakalipas na mga araw. Sa tingin ko naman ay mas maayos 'yon para naman medyo makaiwas ako sa pu-pwede kong maramdaman sa oras na makita ko sila.

 

Bakit ganun? Ayokong magalit pero hindi ko mapigilan. I felt betrayed and fooled. Sobrang sakit isipin na kung sino pa 'yung mga taong pinagkakatiwalaan mo, sila pa ang gagawa ng makakasakit sa'yo.

 

Napabuntong hininga nalang ako. Ang sakit isipin na nakaya nilang gawin 'yon.. Nagawa nilang magsinungaling sa 'kin.. Nagawa nila akong lokohin.. Pinagmukha nila akong tanga.

 

Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko. Mas gusto ko dito kasi tahimik, mas okay.

 

Minsan talaga mas okay muna na mapag isa para makapag isip isip. Ayoko munang lumabas. Ayoko munang lumabas dahil baka bigla ko nalang silang makita sa paglabas ko.. At ayokong mangyari 'yon.

 

Bigla akong nakarinig ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako doon.

 

"Ate." Tawag ng tao sa labas ng pinto, its Patrick. Anong kailangan niya?

 

"Why?" I asked.

 

"May bisita ka." Simpleng sagot niya. Bisita? Sino?

 

Napa-buntong hininga siya at nagsalita ulit. "Ate, si Kuya Dennis.. Nasa baba. He's waiting for you."

 

What? Si Dennis? Sht. Naramdaman ko na ang biglang pagbilis ng tibok na puso ko dahil sa narinig. He's here, Dennis is here.

 

Tumayo ako at naglakad papalapit sa pintuan ng kwarto ko. Binuksan ko 'yon at bumungad sa akin ang mukha ng kapatid ko na may bahid ng pag aalala.

 

"Bababa ka na ba, Ate?" Tanong niya sa 'kin habang sinusuri ang buong mukha ko.

 

I nodded. Yes, bababa ako para makita si Dennis.. Para makausap siya. Oo na't alam ko na sinabi ko na ayoko muna silang makitangdalawa ni Marc pero hindi eh.. Si Dennis, miss ko na siya at gusto ko na siyang makita.

 

Kitang kita ko pa din ang pag aalala sa mukha niya habang nakatingin pa rin sa akin. Oh, my little brother. I smiled at him.

 

"Okay lang ako, Patrick. Kaya ko nang harapin siya." Sabi ko sa kanya. Alam ko na may alam siya sa mga nangyari at nangyayari kahit na wala naman akong sinasabi sa kanya.. Kung paano niya nalaman, kanino at kung saan ay hindi ko na din alam.

 

Napatingin na naman siya sa akin at nag iwas ng tingin. "O-okay." 'Yun lang ang sinabi niya at nauna na siyang bumababa.

 

Halu halo ang mga nararamdaman ko sa ngayon. Natatakot, kinakabahan, naiinis, nagagalit, na-e-excite, masaya.. At marami pa na hindi ko na kayang isalita lahat.

 

Basta ang alam ko ngayon ay gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makausap, gusto ko nang magkaharap kami at sabihin niya sa 'kin lahat ng mga totoong bagay na gusto kong malaman. Lahat ng mga bagay na makakapagpatahimik sa kalooban ko, sa lahat ng pagdududa at pag aalinlangan ko.

 

Huminga ako ng malalim at nagsimula nang maglakad papunta sa hagdan at pababa sa sala.

 

Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Sht. Ilan lang 'yan sa mga tanong na nasa isip ko sa ngayon.

 

Nakakainis.

 

Ilang hakbang nalang bago ako tuluyang makababa sa sala.

 

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko lalo na nang maaninaw ko na siya sa kinatatayuan ko ngayon, nakaupo siya sa mahabang sofa namin sa sala. Magkasiklop ang dalawa niyang palad habang nakayuko.

 

Nagsimula na akong lumakad papalit sa kanya. Sht. He's really here.

 

Nakalapit na ako sa kanya at nakatayo sa harapan niya ngayon. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya nag angat siya ng tingin.

 

Nagkatitigan kami pero umiwas na agad ako at naramdaman kong napabuntong hininga siya bago tumayo sa kinauupuan niya at tinitigian ulit ako.

 

"I miss you."

 

Narinig kong bulong niya. I looked at him at nakita ko sa mga mata niya ang halu halong emosyon.

 

Hindi ko na napigilan pa ang mga sarili kong luha, kusa na silang tumulo.

 

Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa 'kin at yinakap niya ako. Hindi na ako nakapalag.. Sht.

 

Dahil sa totoo lang, kahit sobra na akong nasaktan sa mga nangyari, mas gusto ko pa rin na nasa piling niya.

 

Lumayo siya ng kaunti sa 'kin at humiwalay sa yakap, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at naramdaman ko ang daliri niya na pinupunasan ang mga luhang nasa pisngi ko.

 

"Shh.. Baby, please. Stop crying."

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon