8

354 23 0
                                    

Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala. Bumalik na si Marco at humingi siya ng tawad.

 

"Hon, I'm sorry.. I love you so much." Bulong ni Marco while he's hugging me tightly. Sobrang higpit ng yakap niya ay parang ayaw niya ako bitawan, na parang natatakot siya na bitawan ako.

 

Hindi pa rin ako kumikibo because I was really shocked. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Sht, Marco!

 

Kinalas ko na ang napakahigpit na yakap niya sa akin mula kanina pa. Tinignan ko siya at kitang kita ko ang mapupulang mga mata niya at may mga luha pang naglalandas doon.

 

"Bakit, Marc?" Buong tapang na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang lumabas na tanong mula sa isip ko, ang dami kong tanong at marami rin akong gustong sabihin ngunit hindi mai-proseso 'yon ng maayos ng utak ko. Gulong gulo ako, litong lito.

 

"Bakit mo nagawa sa akin 'yun? Bakit ganun? Bakit pagkatapos ng ilang buwan, nagyon ka lang nagpakita at bakit ngayon ka lang humihingi ng tawad? Bakit ngayon, sinasabi mo na mahal mo pa rin ako? Bakit sinasabi mo na mahal na mahal mo ako? Bakit? Ang sabi mo sa akin noon, you're not even sure kung minahal mo ba talaga ako.. Pero bakit ngayon, ganito? Bakit?" Tanong ko habang umiiyak na nakatitig lang sa kanya.

 

Sht. I thought this is just an ordinary day for me. Pero bakit ganito? This is not an ordinary day. Sobrang daming nangyayari na hindi na magawang mag sink in sa akin at hindi na kayang i-proseso ng maayos ng utak ko.

 

Fvck this. Marahas na pinunasan ko ang mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak mula sa mga mata ko. Akala ko naubos na ang mga luha ko para sa lalaking ito pero ngayong bumalik na naman siya, bakit umiiyak na naman ako para sa kanya?

 

"Honey.. Sorry." He said na parang hirap na hirap siya at 'yon lamang ang mga katagang kaya niyang sabihin.

 

"Stop calling me that, Marc! Ano ba?!" I shouted. Nakita kong napapikit siya sa isinigaw ko dahilan upang lalong lumabas ang mga luhang nagbabadyang tumulo na naman mula sa mga mata niya.

 

"Sorry.. I just want to apologize and make it up to you.. I'm sorry kung nasaktan kita. Sorry. And I love you so much." Nakikinig lang ako sa kanya. Siguro sa ngayon, 'yun ang mas maganda at dapat kong gawin, makinig.

 

"That day when we had an argument.. I was... I'm sorry. I don't know if you noticed it but I was not in my normal state that time." What?! Pinilit kong 'wag magsalita. Hahayaan ko siyang magpaliwanag.

 

Matagal bago siya nagsalita ulit. Para bang naghahanap siya ng tamang salita at malalim na nag iisp kung paano ito dapat sabihin.

 

"I was drunk that time." He said. Parang nahihiya pa siya. He's drunk that time? I didn't noticed. Siguro ay dahil hindi naman kami ganoon katagal nag usap at wala ako sa mood sa mga oras na 'yon kung ano bang meron sa kanya. Sobrang sakit lang ang naramdaman ko noon.

 

"I'm sorry. I know it's still my fault. Hindi ako dapat humarap sa'yo na nakainom." Yeah, hindi dapat but you did.

 

"And because of that, kung anong mga bagay ang mga sinabi ko sa'yo.. I'm sorry." Now, you're saying sorry?

 

He looked at me na para bang hirap na hirap siya. "And why were you drunk that time, anyway? Alam mo naman na may usapan tayo that day na magkikita." I said while looking at his face. He's really handsome.

 

"Because I was afraid." Suminghap siya. "Natakot ako na magtanong ka kung bakit ako nagloloko. Natakot ako na baka malaman mo ang totoo. Natakot ako na baka 'pag nalaman mo 'yon ay mawala ka sa akin.. Natakot akong mawala ka sa akin." What? Wala akong maintindihan sa mga sinabi niya.

 

"What? Anong totoo?" I managed to asked. Gusto kong malaman ang lahat. Lahat nang totoong rason sa likod ng mga nangyari.

 

"I'm sorry. Hindi ako naging matapang para umamin sa'yo. Natakot kasi ako na mawala ka sa akin. Pero kahit ano palang gawin ko, mawawala ka pa din. Nawala ka pa din." Madamdaming sabi nito.

 

Tinitigan ko lang siya habang naghihintay sa mga susunod na sasabihin niya. "Nabuntis ko si Cherry."  Nanigas ako sa kinatatayuan ko pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. Nakabuntis siya? Si Cherry? 'Yong barkada niya? "I'm sorry. Kasalanan ko 'yon, alam ko. Tayo pa pero nakabuntis ako ng ibang babae." Pagpapatuloy niya. "But believe me. Hindi ko 'yon ginusto. Hindi ko 'yon sinasadya. Hindi kita kayang lokohin."

 

Hindi ko napigilan ang sarili ko at dumapo ang nanginginig kong kamay sa pisngi niya. "Ano?! Hindi mo sinasadya?! Ano 'yon?!" Sigaw ko sa kanya. Nanginginig din ang boses ko sa sobrang inis, galit at sakit na nararamdaman ko ngayon.

 

"It's true. 'Yon ang totoo." He said while looking straight into my eyes. "Sobrang mahal kita at hindi kita kayang lokohin, hindi kita kayang saktan. Ayokong isipin mo na pinagpalit kita dahil ikaw ang mahal ko, ikaw lang." Saad niya na hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Kaya maniwala ka sa akin, hindi ko sinasadya na mabuntis si Cherry-"

 

"Pinagpalit mo naman ako, 'di ba? I get it, Marc. Naghanap ka ng makakapag-satisfy sa'yo. Sht! Naghanap ka ng babaeng pwede mong ikama dahil hindi mo 'yon magawa sa akin. Tama ba ako?! Ha?! Na naghanap ka sa ibang babae, naghanap ka ng mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa'yo. At nahanap mo ba 'yon sa kanya?! Ha?! Nahanap mo 'yon kay Cherry at hindi mo inaasahan na magbubunga ang ginawa niyong dalawa?! Ganon ba ang ibig mong sabihin?!" Sabat ko sa dapat niyang sabihin. Sht. Nakakainis. Hindi ko mapigilan na hindi umiyak.

 

Lagi nalang ako umiiyak. Lagi nalang akong nasasaktan. Kelan ba ako magiging masaya?

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon