22

192 18 0
                                    

Mabilis lumipas ang araw. Pagkatapos mangyari nang madramang araw na 'yon ay hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita si Dennis. 

 

Si Mia, malamang makikita't makikita ko siya dahil halos lahat ng subjects ay classmates kami. Ganun pa rin naman ang turing ko kay Mia, walang nagbago. Wala naman akong karapatan na magalit o mainis sa kanya dahil sila na ni Dennis. Labas na 'ko doon. Kahit na mahal ko si Dennis ay hindi sapat na rason 'yon para magalit ako sa bestfriend ko. Dahil unang una, ako ang nagtulak sa dalawa para magkalapit sila.

 

"Hindi yata pumapasok si Dennis, Mia?" Bigla ko nalang natanong kay Mia.

 

"He's busy with something." Simpleng sagot naman niya. "Bakit mo naitanong, kambal? Na-mi-miss mo na ba si Dennis?" Dagdag pa niya na ikinagulat ko naman.

 

"H-Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" I asked sa tonong kinakabahan. Bakit niya naitanong 'yon sa 'kin? Alam na ba niya? Nararamdaman ba niya 'yon?

 

Nagkibit balikat lang ito tsaka ako sinagot. "Hmm.. Wala naman. Akala ko kasi na-mi-miss mo din kahit papaano ang kaibigan mo."

 

"Uh.." Wala na akong nasabi kay Mia. Buti nalang at sakto ang pagdating ng prof namin kaya nakaiwas ako sa topic naming dalawa.

 

**********

 

Pagkatapos ng last subject namin ay dumiretso kami ni Mia sa canteen, nakakagutom kasi. Pagdating namin sa canteen ay nakahanap kami agad ng table. Wala pa kasing masyadong nakatambay dito sa ganitong oras, konti lang ang mga estudyante dahil medyo maaga pa naman. 'Yung iba ay nasa mga klase nila. Kaming dalawa naman ni Mia ay kabilang sa mga estudyante na maagang uuwi ngayong araw dahil konti lang ang subjects na pinasukan namin.

 

Nilapag ko ang mga gamit ko sa table at hinayaan ko si Mia na mag order, pupunta muna ako sa CR. Nagpaalam ako sa kanya at tumungo na ako sa CR malapit sa canteen.

 

Pagkatapos kong mag CR ay lumabas na agad ako para makabalik na sa canteen. Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng boses ng isang lalaki na mukhang galit base sa tono ng pananalita niya.

 

Lalagpasan ko na sana sila dahil wala naman akong balak na makinig sa usapan nila at isa pa, hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng may usapan. Nagsimula na akong humakbang palayo nang marinig ko ang pangalan ko sa mga nag uusap.

 

Na-curious naman ako dahil narinig ko ang pangalan ko. Alam kong posibleng magka-pangalan lang kami ng babaeng pinag uusapan nila pero mayroon akong pakiramdam na dapat akong makinig. Instinct. Kailangan kong marinig ang pinag uusapan nila.

 

Lumapit pa ako sa puno kung saan sila naka-pwesto, nasa likod sila ng malaking puno. Sumilip ako at nakilala ko agad kung sino ang mga taong nag uusap na 'to.

 

Ang dalawang lalaking.. Sht. Sina Marc at Dennis. Bigla nalang akong kinabahan sa 'di ko malamang dahilan. Bakit ganito? Feeling ko..

 

"Fvck! Alam mong mahal ko siya! Mahal ko si Pia! Pero anong ginawa mo?! Pinagkatiwalaan kita. Nagtiwala ako sa'yo, Dennis!" Naririnig ko ang sigaw ni Marc kay Dennis. Punung puno 'yon ng galit, hinanakit at panunumbat.

 

Nanghina ako.. Don't tell me. No, hindi. Hindi 'to totoo..

 

"Alam ko. Alam ko na kasalanan ko. Sht. Akala mo ba natanggap ko agad?! Ha?! Nung una, hindi rin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na.. Sht.. Hindi ko rin matanggap 'non na mahal ko siya.. Na minamahal ko na ang babaeng pinagkatiwala mo sa 'kin. Akala mo ba sinadya ko 'yon?! Fvck! Hindi! Kung kaya ko lang turuan ang puso ko na 'wag na siyang mahalin, ginawa ko na kasi alam ko.. Alam ko na hanggang ngayon, mahal ka pa rin niya. Kahit na sa mga taong nakalipas, na ako lagi ang nandyan para sa kanya.. Alam ko na wala akong karapatan na humingi ng kapalit pero wala eh, nahulog ako. At nagagalit ako. Hanggang ngayon, pagkatapos nang lahat.. Ikaw pa rin.. Ha?! Ikaw pa rin. Fvck. Ikaw parin ang mahal ni Pia!"

 

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinabi ni Dennis. Sht. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, napaiyak na ako.

 

"Pero alam mong mahal ko pa rin siya, Dennis. Alam mong babalikan ko rin siya kapag maayos na ang lahat sa pagitan namin ng kapatid mo."

 

Kapatid? Sinong kapatid? Si Cherry ba? 'Wag naman sana..

 

"Nagtiwala ako sa'yo noon. Akala ko kasi hindi kayo pareho ng kapatid mo pero hindi eh, magkapatid kayo ni Cherry at.. At ngayon, ikaw naman ang kumuha sa kaligayahan ko. Nagsisisi ako na pinagkatiwala ko sa'yo ang babaeng mahal ko. Fvck, Pare! Ang sabi mo sa 'kin noon, hinding hindi ka magkakagusto kay Pia. Sabi mo hindi siya ang tipo mong babae kaya inisip ko na ikaw nalang.. Ikaw nalang. Ikaw ang pwede kong pagkatiwalaan sa pagbabantay sa kanya dito habang wala ako tapos ngayon, malalaman ko na mahal mo na pala siya?! What the fvck! At sinasaktan mo din siya! Ginawa mo pang girlfriend ang bestfriend niya?! Ha?!" Huminga ng malalim si Marc bago nagpatuloy.

 

"Matatanggap ko pa sana kung nanligaw ka nalang sa kanya eh, 'yung alam kong masaya siya kahit na hindi na ako 'yung dahilan? Pero sht. Hindi eh. Sinasaktan mo siya! Sa lahat ng mga babae, bakit sa bestfriend niya pa, ha?! Ha, Dennis?! Sumagot ka!" Wala akong narinig na sagot mula kay Dennis pero naririnig ko ang hikbi niya.. He's crying..

 

"Alam mo, Pre! Ang swerte mo eh. Kasi mahal ka niya. Alam mo 'yon? Bumalik ako dito para sa kanya dahil hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya.. Mahal na mahal pero wala na eh. Wala na kasi hindi na ako ang mahal niya!" Sigaw pa ni Marc.

 

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.. Sht. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak nalang doon habang nakikinig sa usapan nila.

Para Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon